Box-office results ng Pinoy movies ngayon, nakakabahala

Nov 16, 2017

GORGY RULA: Hindi pa nakumpirma ng Cineko, pero ayon sa isang reliable source na napagtanungan namin, umabot ng isang milyon ang kinita ng pelikulang Fallback na nagbukas kahapon.

Magkakasunod na di maganda ang box-office performance ng mga Pinoy films na ipinalabas kahit na-promote naman ito nang husto.

Makakabawi kaya sa mga susunod na pelikulang ipalalabas, kagaya ng Unexpectedly Yours nina Sharon & Robin, Trip Ubusan ng JoWaPao, at ang Barbi D'Wonder Beki ni Paolo Ballesteros o hintayin na lang natin ang walong pelikulang kalahok sa MMFF 2017?


Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Sobrang nababahala ang mga theater operators sa sinasapit ng Filipino films ngayon.

Maliban sa magandang showing sa umpisa ng The Ghost Bride ng Star Cinema, tila hindi talaga pumalo sa takilya ang mga sumunod nang pelikula; tulad ng 12 at This Time I’ll Be Sweeter, at maging ang bagong labas na Fallback.


Continue reading below ↓

Sa pelikulang 12, kahit na naka-A rating ito sa Cinema Evaluation Board, parang hindi nila napangalagaan ang premium ni Alessandra da Rossi bilang box-office star (para rin ng nangyari kay Empoy sa pelikulang The Barker).


Ang This Time I’ll Be Sweeter naman, kahit pa sabihing nag-rate ang nakaraang teleserye nina Barbie Forteza at Ken Chan (Meant To Be) at tinambakan pa ito ng co-stars at endorsements ng mga GMA-7 stars ay hindi rin kinagat sa box-office.

Continue reading below ↓

Ibig sabihin, they are TV stars, not movie stars. (Sayang dahil magaling at award-winning na artista pa naman si Barbie.)


Ang Fallback naman nina Zanjoe Marudo at Rhian Ramos ay hindi nakikinabang sa holiday supposedly ng mga estudyante. Nanganganib pa ito dahil nakaamba na ang showing din ng Justice League.

Continue reading below ↓


Lessons learned mula sa mga theater operators: 1. Hindi na stars ang mahalaga sa mga manonood. Mas naghahanap na ang mga viewers ng kakaibang kuwento.

2. Hindi na umeepekto ang mga trends at genres na dating sinasabing bankable, tulad ng rom-com at horror.

3. Hindi na rin dapat pakasisiguro sa mga traditional promo strategies. Naghahanap na ng bago ang mga tao.

Continue reading below ↓

Sana naman mag-pick up ang box-office take ng mga susunod na Pinoy films leading to the Metro Manila Film Festival.

Sana magsuportahan tayong lahat sa paghahandog at pagpanood ng magagandang pelikula.

JERRY OLEA: Malakas ang vibes ng pelikulang Kita Kita ng Alempoy (Alessandra de Rossi & Empoy Marquez).

Maayos ang pagkabuo ng istorya nito. Swabe ang pakilig na umayon sa panlasa ng madla. Tama ang timing ng pagpapalabas.

Positibo ang vibes ng tutulo. Doble kita! Kaya ayun... kumita nang higit pa sa tripleng doble-doble.


Continue reading below ↓

And then... ang pelikula ni Empoy with Shy Carlos na The Barker, walang takot nakipagsabong sa Thor: Ragnarok.

Nakakaaliw ang bagong Thor movie, at blockbuster ito sa iba't ibang bansa.

Ang pelikula ni Empoy, hindi nagustuhan ng mga kritiko. Hindi tumahol sa takilya.


Ang horror mystery na The Ghost Bride ni Kim Chiu—idinirek ni Chito Roño, iprinodyus ng Star Cinema—wagi noong Undas.

Continue reading below ↓

Ang kasabay nitong Spirit of the Glass 2, ewan.

Ano bang tamis ang aasahan mo sa This Time I'll Be Sweeter kung mismong ang ina ni Barbie Forteza ay kontra sa tambalan nito with Ken Chan?

Mabait si Ken. Pero... mas tumatak pa rin siya bilang Destiny Rose.

Kahit katiting na kilig sa KenBie, wala kaming nadama. Pilit na pilit!

Ang pelikula ni Alessandra kasama ang baguhang aktor na si Ivan Padilla, iyong 12... trailer pa lang, mabigat na ang dating. Wala kaming naramdamang kilig.

At itong Fallback na bida si Rhian Ramos... may pelikula na ba siyang masigla sa takilya?

E, kahit iyong teleserye niyang The Rich Man's Daughter ay hindi namin masyadong naramdaman.

Ang kalaban ng Fallback simula ngayong Huwebes, Justice League.

Ang title ng Rhian movie... Fall na, back pa. Negang-nega. Makatarungan na sumemplang ito.

Iyong teaser ng Unexpectedly Yours starring ShaRob (Sharon Cuneta) & JoshLia (Joshua Garcia & Julia Barretto), malakas ang kilig!

Continue reading below ↓

May mga nagsasabing laos na sina Sharon & Robin, pero sina Joshua & Julia ay malakas ang hatak sa fans. Ine-expect naming malakas ito.


Dalawang Paolo Ballesteros movie ang ipapalabas—Trip Ubusan at Barbi D'Wonder Beki.

Alin kamo ang wonderful? Alin ang mauubusan?


Continue reading below ↓

Huwag sanang i-cannibalize ng dalawang pelikula ang isa't isa.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results