Jinggoy Estrada, pinagkaguluhan ng mga Pinoy sa Singapore

Nov 16, 2017

GORGY RULA: Ngayong araw ay nakatakda nang simulan ang check-up sa Manila Mayor Joseph Estrada sa Singapore sa isa sa pinakamagaling na neurosurgeon na si Dr. Preem Pillay.

Sinamahan siya ng anak na si dating Senator Jinggoy Estrada, na pinayagan ng Sandiganbayan na lumabas ng bansa pagkatapos nyang mag-post ng travel bond na 2.66 million pesos.

Natutuwa si Jinggoy na napagbigyan siyang sumama sa kanyang ama dahil noon pa man ay siya na raw ang nag-aasikaso sa medical check-up pati hospitalization ng kanyang magulang.


Continue reading below ↓

Text ni Jinggoy sa PEP Alerts squad kahapon, November 15, "Nandito na si Daddy kagabi pa. Bukas siya gagawin kasama Mommy ko. Hanggang Sunday pa ako."

Natutuwa rin si Jinggoy sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga kababayan natin doon na tila sabik na sabik daw na makita sya.

Bago umalis dito si Jinggoy ay dumalaw pa siya sa kaibigang si dating Senator Bong Revilla sa Camp Crame para magpaalam na mawawala muna siya ng ilang araw.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA: The Good Son ang peg ni Jinggoy!

Hindi na ako magtataka kung siya ang susunod na mayor ng Manila! If ever, makakalaban niya siguro sa eleksyon si Isko Moreno.

Read Next
Read More Stories About
Erap Estrada, Jinggoy Estrada
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results