Talent at co-managers, nagkasiraan dahil sa facial hair?

Nov 17, 2017

NOEL FERRER: Nakakalungkot ang sinapit ng isang talent at ang supposedly co-managers nito na siyang naging katuwang niya sa pagsikat.

Ilang kakaiba at sali-saliwang moves ang nagawa ng talent na ito.

Noong kainitan niya, tumanggap siya ng isang episode ng drama anthology sa buhay niya only to nix the offer of the network na gumawa ng life story niya.

Nawalan na ng gana ang network na yun sa kanya.

Lumapit itong talent na ito at nagpa-co-manage sa grupong nagpainit ng career niya, at mabuti’t tinanggap naman nila ito.

Kasama sa deal ang paggawa nito ng isang serye na spin-off ng isang popular na karakter na pinasikat nito.

Nagulat na lang tayo at pinalitan na siya sa nasabing project—to think na yun ang nagbigay ng pangalan at premium sa talent na ito.

Inalam ng PEP Alerts Squad ang dahilan ng pagkakatanggal niya sa project.

Ginamit daw na dahilan ng talent ang kasalukuyang ginagawa niyang teleserye na kailangang magpa-mature siya para bagayan siyang maging kapatid ng bida.

Continue reading below ↓

Ang idea ng talent ay magpatubo ng facial hair.

Nang tanungin ng kampo ng co-manager sa production kung may ganung requirement, sinabi ng produksiyon na kailangan lang niyang magpa-mature.

Ang talent lang daw na ito ang nag-i-insist sa pagkakaroon ng facial hair.

Eh, hindi uubra ang facial hair sa spin-off serye na naka-commit na nitong gawin in the first place. Dahil dito, tuluyan na ngang pinalitan si talent sa proyekto.

Sana ay nagpakaprangka at open na lang ang talent sa kanyang co-managers na ayaw na niyang gawin ang dati niyang role—at matatanggap pa ito ng mga co-managers.

Pero may press release pa ang talent na ito na nagse-set siya ng meeting para makipag-usap sa mga co-managers at magkalinawan.

Paano naman maipapaliwanag ng talent yung isang insidente sa isang salon na parehong pinagpapagupitan ng talent at co-manager niya, na halos sabay at nagpang-abot ito?

Saksi ang mga tao sa salon kung paano umiwas at pinagtaguan ng talent ang co-manager, na kung gusto talagang kausapin ay sana nilapitan na niya roon.

Continue reading below ↓

Tahimik na lang ang kampo ng co-managers kung nasa pangangalaga pa nila ang naturang talent.

Ang mabait pa ngang sagot nila ay, “We wish him well.”

Ano na kaya ang kahihinatnan ng talent na ito na patuloy na pinaliliit ang kanyang mundo?


JERRY OLEA: I believe, ang talent na ito ay mahilig maglaro ng taguan...

Continue reading below ↓

I believe, maganda siyang maglagay ng foundation sa mukha...

And I believe na ang kanyang hinaharap ay matutunghayan ng multo.

That's all... And I thank you!

GORGY RULA: Teka lang 'Talent.' Mas mabuti yata pahingahin mo muna sa foundation ang face mo bago ka mag facial hair no?! (Tunog Lolit Solis).

Sa tingin ko lang, lalabas at lalabas... lulutang at lulutang din naman ang totoo... kung sino ba talaga type niya.

Ganun ba siya kaganda nung ipinanganak siya?

Pero mas mabuting bitawan na lang siya ng manager niya at mag focus na lang ang management group na 'to sa mga inaalagaan nilang direktor.

Read Next
Read More Stories About
blind item, facial hair
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results