Pinoy judges sa three major international beauty pageants

Nov 18, 2017

JERRY OLEA: Dalawang Pinoy, hurado sa Miss Universe 2017!

Isa sa anim na judges sa preliminary competition ng 66th Miss U ang dugong-Pinoy na si Cecilio Asuncion (director at founder ng Slay Models).

Ang lima pang judges sa prelims ng timpalak ay sina Wendy Fitzwilliam (Miss Universe 1998, mula sa Trinidad and Tobago), Megan Olivi (host ng Fox Sports 1), Morgan Deane (marketing director ng TAO restaurant), Isabelle Lindblom (scout ng IMG Models scout), at Bill Pereira (CEO, president at co-chairman ng IDT Telecom).

Ayon sa official website ng Miss U: “Cecilio Asuncion is an out and proud gay Filipino-American producer, based in Los Angeles, CA. His journey in the entertainment industry began when he directed and produced the documentary, What’s The T?, which followed the lives of five Transgender women from New York and San Francisco.

“He is also the Founder and Director of the world's first all-Transgender model agency, Slay Model Management.

Continue reading below ↓

“Cece’s accolades include prestigious awards for exceptional achievement, LGBT advocacy, outstanding leadership and dedication to improving the quality of life for the LGBT community, such as:

“2017 GLAAD Media Award for Outstanding Reality Series for STRUT and the 2013 Outstanding Filipino American Award for LGBT Advocacy.

“Cece has spoken at several Universities and public events regarding the importance of Transgender equality and how to serve as an ally for the community.

“His collegiate speaking engagements have included - NYU, Stanford, PACE University, SFSU and University of Colorado - Boulder.

“In addition to ongoing film work and management of Slay Model Management, he is currently working on a book under the Carol Mann Agency.”


Continue reading below ↓

Kabilang naman sa anim na telecast judges sina Pia Wurtzbach (Miss Universe 2015), Wendy Fitzwilliam, Megan Olivi, Jay Manuel (TV host & makeup artist), Ross Mathews (TV personality), at Lele Pons (Vine & YouTube personality).


Dalawa sa preliminary judges ang magdya-judge din sa finals, sina Wendy at Megan.

Ang timpalak ay gaganapin sa Nobyembre 26 sa The AXIS at Planet Hollywood sa Las Vegas, Nevada, United States.

Continue reading below ↓

Ihu-host muli ito ni Steve Harvey, kasama si Ashley Graham.

Performers sina Fergie at Rachel Platten.

Magkatuwang sina Carson Kressley at Lu Sierra sa commentary & analysis table sa.

Ninety-three ang kandidata ngayong taon, nilampasan ang previous record na 89 contestants noong 2011 at 2012.

Kanino kaya isasalin ni Iris Mittenaere (ng France) ang kanyang korona?

Ang kinatawan ng bansa ay si Rachel Peters.

GORGY RULA: Sa kauna-unahang pagkakataon naman ay magkakaroon ng Pinoy judge sa Miss World 2017, na gaganapin sa Sanya, China, ngayong November 18.

Siya ay ang "internationally-renowned talent manager" Arnold Vegafria.


Continue reading below ↓

Asked what he looks for in a winning candidate, he says, "More than her inherent beauty, talent and charm, she should be articulate, persuasive and blessed with a charitable heart—qualities that make her live up to the organization's long-standing adage: Beauty With A Purpose."

Dagdag na pahayag ni Arnold, manggagaling daw sa iba't ibang bansa ang mga uupong hurado.

"May Hollywood star, may British actor, others are former beauty queens, businessman... from different countries," sabi ni Arnold.

JERRY OLEA: Judge si Kylie Verzosa (Miss International 2016) sa Miss International 2017 noong Martes sa Tokyo, Japan.

Sa 69 na kalahok ng 57th Miss International, ang nagwagi ay si Miss Indonesia Kevin Lilliana. Ang kinatawan ng Pilipinas na si Mariel de Leon ay hindi pumasok sa Top 15.

Judge ang talent manager na si Arnold Vegafria sa Miss World 2017 ngayong Sabado (Nobyembre 18) sa Sanya, China.

Kabilang sa 118 kandidata ng 67th Miss World ang kinatawan natin na si Laura Lehmann.

Continue reading below ↓

Pasok na sa Top 40 si Laura dahil kabilang siya sa 20 candidates na nanalo sa Head-To-Head Challenge.

Ayon sa Wikipedia, pasok din sa Top 40 quarter-finalists na ng Miss World 2017 sina Miss Dominican Republic Aletxa Mueses (winner sa Sports challenge), Miss Nigeria Ugochi Ihezue (winner sa Top Model competition), Miss Malta Michela Galea (winner sa Talent competition), ganun din ang mga kinatawan ng mga bansang Argentina, Bangladesh, Colombia, France, Italy, Macau, Mongolia, at Nepal.

Sa taong ito, walo ang pipiliing Continental Queens mula sa Top 25 (na napili mula sa Top 40).

Automatic na sila ang Top 8, at sa kanila pipiliin ang Top 3.

Judges sa Miss Universe 2017 ang Fil-Am na si Cecilio Asuncion (preliminary competition) at Pia Wurtzbach (telecast).

Ang Pinay na si Rachel Peters ay kabilang sa 93 contestants ng 66th Miss U.

Gaganapin ito sa Nobyembre 26 sa Las Vegas, Nevada, at iho-host ni Steve Harvey sa ikatlong pagkakataon.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Pasok sa Top 40 pero wala na Top 15 ang ating pambato sa Miss World na si Laura Lehmann.

Magandang malaman sa tumayong judge na si Arnold Vegafria kung ano’ng nangyari sa ating kandidata.

Oh well, Laura can still be our beauty-for-a-cause pa rin naman. Alamin din lang niya kung ano ang cause ng kanyang pagkakaligwak sa finals para magawan ng paraan ng bagong franchise holder dito sa Pilipinas para sa mga lalaban pa in the future.

India ang naging Miss World 2017.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results