Sino ang mga hiniyawan at dinedma sa Under The Stars fashion show ng Bench?

Nov 18, 2017

GORGY RULA: Inaasahan na ang mainit na pagtanggap at malakas na hiyawan sa pagrampa ni Maine Mendoza sa Under the Stars Denim & Underwear Fashion Show ng Bench, na ginanap sa MOA Arena.


Pero nakakapagtakang hindi gaanong tinilian ang pagpasok ni Julia Montes. Nanibago lang kaya sila at hindi nakilala ang Kapamilya actress?

Continue reading below ↓


JERRY OLEA: Kikay na kikay si Maine Mendoza, at ang lakas ng sigawan sa kanya.

In fairness, tinilian din nang husto si Richard Gutierrez na ipinartner kay Meng.

Pinakamalakas ang tilian kay Daniel Padilla, at bongga ang pakilig nila ni Kathryn Bernardo.

"Pwetmalu" sina Markki Stroem (nakamaskara noong una) at Rocco Nacino (naka-jacket muna).

Continue reading below ↓

Hot na hot ang pagrampa ni Pietro Boselli, at ang tamis-tamis ng ngiti niya sa mainit na pagtanggap ng fans.

JERRY OLEA: Angat ang alindog nina Lovi Poe at Solenn Heussaff sa Bench babes na nagpasiklab.

Hindi yata nakilala ng audience sina Julia Montes at Kim Domingo.

JERRY OLEA: "Bagsak ang puwet ni Kim Domingo! Ampangit!" sabi ng kaibigan naming talent manager.

Si Sanya Lopez, parang bombshell of the '80s ang dating. Dedma walking ang mga tagahanga.

Kaaya-aya ang ngiti ni Ken Chan, na maganda legs. Keri niya ang suot na boxer brief, pero mangilan-ngilan lang na Kapuso ang sumigaw sa kanya.

Nagmumura ang bukol ni Tom Rodriguez, na may nagdududang naka-dildo siya. Anong masasabi ni Carla Abellana, na nanood sa palabas?

Nakakabingi ang katahimikan sa pagrampa nina Coleen Garcia, Ashley Ortega, at Bianca King.

GORGY RULA: Pagkatapos ng Bench show, pinag-usapan na naman ang napakalaking bukol ni Tom Rodriguez.

Continue reading below ↓

Kaagad nilapitan ng PEP Alerts Squad si Carla Abellana na tuwang-tuwa sa performance ng nobyo.

Tinanong namin ang Kapuso actress kung tunay ba talaga yung bukol na yun ni Tom.

"Hindi ako tumitingin, natatakot ako! Lagi naman yun ang pinag-uusapan sa kanya, e," sagot ni Carla.

JERRY OLEA: Nalungkot ako nang rumampa sina Derrick Monasterio, Diego Loyzaga, LA Aguinaldo, Maxine Medina, at Michelle Dee.

Napag-iwanan na si Derrick ni Ruru Madrid, na yummylicious juicylicious sa kanyang pa-abs.

Stellar ang dating ni Paulo Avelino na kahit nakapantalon ay kilig na kilig pa rin ang fans.

May mga tumili rin sa pagrampa ni Enrique Gil, ganun din kina Albie Casino at Addy Raj.

May moment si Winwyn Marquez, ngunit na-eclipse siya sa pag-entra ni Maine Mendoza.

May mangilan-ngilang pumansin kahit paano kina Marco Gumabao at Kiko Estrada.

NOEL FERRER: Nakakainggit naman kayong who went UNDER THE STARS.

But did you guys predict na lalabas sa PEP ang biggest news na may koneksiyon pa rin sa Bench Anniversary rampa?

Continue reading below ↓

Ang hindi pagrampa ng Bench endorser na si Ellen Adarna dahil siya’y nagdadalantao, courtesy of John Lloyd Cruz.

Nagbunga bigla ang pinaggagawa nila under the stars din!!!

JERRY OLEA: Seksing-seksi pa naman si Ellen Adarna sa photo shoot niya para sa Under The Stars.

Sabi ng isang baguhang aktor na nakapanood, pinakamalakas ang sex appeal sa rampahan eh si Solenn Heussaff.

NOEL FERRER: Mula sa kaibigan kong si G3 San Diego na nandun mismo sa Bench Under The Stars (Super objective observations)

1. Beautiful staging.

2. Most applauded - Maine Mendoza

3. Most waley applause - Pancho Magno

4. Best butt - Markki Stroem

5. Most give na walk, tumabi kayong lahat kekembot ako - WinWyn Marquez

6. Best abs - Julia Barretto

7. Best in reveal - Ruru Madrid

8. Most "Sino Yan" reaction - Kim Domingo

9. Best panga - Marco Gumabao

10. Best in effort - Rocco Nacino

Continue reading below ↓

11. Best in loose clothes - Enrique Gil

12. Best bakatchi, most endowed award - Tom Rodriguez

13. Cutest boy in the world - Pietro Boselli

Read Next
Read More Stories About
Bench fashion show
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results