Dayanara Torres, kampeon sa reality dance program sa U.S.

Nov 20, 2017

JERRY OLEA: Nagtatalon sa tuwa si Dayanara Torres nang tanghaling kampeon sa season 5 ng dance contest na Mira Quien Baila (Look Who’s Dancing).

Natamo ni Yari ang 51% ng mga boto, laban sa kapwa grand finalists na sina Ana Patricia Gamez (26%) at Danell Leyva (23%).


Continue reading below ↓

Tumanggap ang Miss Universe 1993 ng $50,000 para sa napili niyang charity (San Jorge Children’s Foundation sa Puerto Rico).

Tig-$5,000 sina Ana Patricia at Danell para sa kani-kanilang chosen charity.

Natamo rin ni Dayanara ang Premio a la Mas Vista (Most Viewed Award) para sa tatlong dance videos niya na most-watched online habang ginaganap ang paligsahan.

Ang judges sa grand finals ay sina Casper Smart, Poty Castillo, at Johnny Lozada.

Noong Setyembre 17 nagsimula ang kumpetisyon sa Univision, at kabilang sa 10 celebrity contestants sina Marlene Favela, Franco Noriega, Pablo Montero, Victoria ‘La Mala,’ Chikybombom, Alejandro Nones, at Ektor Rivera.


Continue reading below ↓

In photo: Dayanara Torres with co-finalists Ana Patricia Gamez and Danell Leyva.

NOEL FERRER: Congratulations kay Dayanara for winning that particular contest abroad.

Ano na kaya ang nangyari sa kanyang supposed hosting or judging stint dito sa Philippine version ng Dancing With The Stars?

Sayang kasi may momentum na sana pagbabalik niya rito sa anniversary presentation ng ASAP at nagkaroon pa siya ng ilang mga endorsements.

Sana matuloy pa rin 'yan, sa tama at takdang panahon.


Continue reading below ↓

JERRY OLEA: Sa US po ang TV series na Mira Quien Baila (MBQ), na nag-premiere sa Univision ang 5th season noong Setyembre 2017. Sampung episodes ito.

Ang dance contest na ito ay Spanish version ng Strictly Come Dancing (British version) at Dancing with the Stars (American version).

Sa paligsahan, ang 10 celebrities ay ipinareha sa 10 professional ballroom dancers.

Ang hosts ng palabas ay sina Javier Poza at Chiquinquira Delgado.

GORGY RULA: Hindi kaya mga Pinoy din ang nagbigay ng maraming boto kay Yari? Diyan sa online voting tayo magaling, di ba?

Ano na nga ba ang usapan nina Dayanara at ABS-CBN 2? May babalikan pa ba syang career dito sa atin?

JERRY OLEA: Sa special award lang iyong online voting. Sa grand finals, kung saan naglaban ang Top 3, may tatlong judges.


Continue reading below ↓

Read Next
Read More Stories About
Dayanara Torres
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results