Maine Mendoza, suportado ang JoWaPao movie

Nov 21, 2017

GORGY RULA: Suportado ni Maine Mendoza ang pelikulang Trip Ubusan: The Lolas vs Zombies, na ginaganap ang premiere sa SM Megamall kagabi, November 20. 

Surprise daw ang participation niya sa pelikulang ito.


Hindi lang namin ma-interview nang maayos ang phenomenal star ng Eat Bulaga! dahil nakaharang ang mga guards sa utos ng kanyang mga handler.

Continue reading below ↓

Pero kahit papa'no, nagpaunlak pa rin si Maine ng maikling interview.

Nag-enjoy daw siya at masayang experience daw ang pagrampa niya sa nakaraang Under the Stars fashion show ng Bench.

"Looking forward po na maulit yun," sabi pa ni Maine.

JERRY OLEA: Nanood ba si Alden Richards sa pagrampa ni Maine Mendoza sa Under The Stars?

Sinamahan ba ni Alden si Maine sa premiere ng Trip Ubusan kung saan bida ang Beautiful Abuelas?

NOEL FERRER: Good luck sa APT Films sa Trip Ubusan: The Lolas vs. Zombies, na hindi na tinatapatan ng Regal Films ng kanilang nakatakdang magbukas din ng pelikula this week, ang Mama’s Girl with Sylvia Sanchez and Sofia Andres sa direksiyon ni Connie Macatuno.

Ito’y out of respect din ng Regal sa magandang samahan nila ni Mr. Tony Tuviera.

Sana lang, makayanan ng pelikula ng mga Lolas ang lakas sa box-office ng Justice League.

JERRY OLEA: Magse-second week na sa Pilipinas ang Justice League.

Continue reading below ↓

May mga napangitan dito. Merong OK lang. Marami ring nagkagusto.

Ang importante, maraming nanonood.

Marami ring nag-aabang sa Barbi D’Wonder Beki na bida si Paolo Ballesteros.


Pero ako, sabik sa Unexpectedly Yours ng ShaRob at JoshLia.

Iyong official teaser nito, naka-2.2M views na sa Facebook.

Iyong official trailer posted by Star Cinema on FB last Saturday night, naka-1.3M views na.

Continue reading below ↓

More & more ang comments sa ShaRob (or is it ShaBin?) reunion movie.

Pinag-uusapan ito sa socmed.

Inaabangan. Hinahanap-hanap. Nakakaadik!


NOEL FERRER: Yamam din lang at nandyan ka na sa SM Megamall, kapatid na Gorgy, pakitanong mo na rin sa takilyera kung tuloy pa ang CineLokal film showing ngayon?

Isang report kasi ang natanggap natin na may mga sinehan daw na kinukuha na ng Justice League ang mga slots na pagpapanooran.

Continue reading below ↓

Actually, ito ang naging post ni Babyruth Villarama-Gutierrez na #StateofPhilippineCinema ngayon.


Read Next
Read More Stories About
JoWaPao
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results