Bakit nawaley na ang pagkabongga ng mga star bazaars at iba pang tiyangge stories

Nov 25, 2017

NOEL FERRER: Dahil 30 days na lang bago mag-Pasko, nagsadya ang pamilya namin sa isang premium bazaar na dati na naming pinupuntahan.

Nagulat kami at wala namag ipinagkaiba ito sa regular stalls sa Greenhills at may parte pang para nang Divisoria.

Usually, inaasahan mong may mga kakaibang items na hindi available sa iba. Pero grabe, naging mecca na siya ng fake items at fake scents na nakaka-frustrate. Kasi dati na itong nagtatampok ng magagandag items na panregalo.

Pati yung mga produkto ng ibang artistang exhibitors leave much to be desired.

Sayang, naging mas matindi sana ang quality control nila dahil maganda kung suportahan ito ng marami dahil for a good cause nga ito... Pero how, how de carabao? Anyare na rito? Well, well, well...

JERRY OLEA: Makabuluhan ang celebrity bazaar na iyan. Ang malilikom na pondo riyan ay para sa mga proyektong makatuturan.

Dati, bonggang-bongga ang pre-loved items ng mga artista at personalidad na tampok sa subasta.

Continue reading below ↓


May mga litrato pa sa press release, at nag-aagawan ang fans.

This year, apat na celebrity moms ang frontliners ng celebrity bazaar na iyan.

Kaso, ang auction, flop.

Nangibabaw roon ang mga starlet na walang ningning, at mga The Who na malapit nang maging La Ocean Deep.

Biruin mo, sa auction.... walang nag-bid sa ibang items?!

Ka-cheap-an ang mga pekeng paninda!

Naturingang celebrity bazaar, nagkalat ang mga huwad na pabango at rubber shoes.

Mas maganda o mas mura pa yung sa 168 o night market sa Tutuban Center. O kaya, sa Well Manson sa Quiapo.

Yung Jo Malone na pabango, buy one, take one sa halagang P1,500.

E ang tunay na Jo Malone, P7,000.

Sabi ng nagtitinda, para iyon sa hindi maka-afford ng tunay na Jo Malone.

In fairness, keribels ang mga paninda roong notebook.

GORGY RULA: Hindi ko alam kung ano ang dapat i-prioritize o pag-aralan ng mga artistang nagba-bazaar; ang pagbebenta ng sarili nila para mabigyan ng project at bumongga ang career o ang mga paninda nila?

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Maganda ang puntong yan Gorgy dahil extension ang mga artista sa anumang ibinebenta at pinagkakaabalahan nito.

Pangalagaan ang premium, at lumugar naman. Huwag ilagay sa isang high end na lugar ang produkto na alam mong pangtiyangge naman.

Plus wag mangharbat ng mga freebies mula sa mga exhibitors lalo na’t maliit naman ang profit margins dyan, at pairalin ang delicadeza naman, 'di ba?

JERRY OLEA: Stellar kasi dati ang celebrity bazaar na iyan.

Pero this year, hindi mo masasabing celebrated ang edition.

May comparisons ng dati at kasalukuyan, at ng bazaars na in-organize ng iba.

Maganda ang intensyon, palpak ang execution.

NOEL FERRER: Well, well, well... Basta, hindi ako nagpapa-bazaar ha. Sumusuporta lang ako sa magandang causes nila. Yun na!

 

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results