Big movie project, nabitin dahil sa billing problem ng dalawang aktor

Nov 26, 2017

GORGY RULA: Pagkatapos ma-hospitalize ni Manay Lolit Solis, binigyan nya ang sarili ng ilang araw na bakasyon sa Taipei, Taiwan kasama ang ilang kaibigang movie press, kabilang na ang inyong lingkod.

Nagulat na lang si Manay Lolit kagabi nang nasalubong niya sa Belavita ang matagal nang kaibigang si Cong. Albee Benitez.


Continue reading below ↓

Kaagad niyaya niya kaming mag-dinner sa isang Japanese resto. Ang dami naming napag-usapan na doon namin nalamang nakipag-co-produce na pala sya sa ilang pelikula ng Viva at Reality Films.

Naikuwento na rin ni Cong. Albee na meron pala siyang malaking pelikulang ipu-produce na mala-Oceans 11 ang concept. Ngayong taon lang niya ito binuo na kung saan kinausap na niya at napagkasunduang pagsamahin sa project na ito sina Richard Gomez, Aga Muhlach, Gabby Concepcion, Albert Martinez, Cesar Montano, Piolo Pascual, at Sharon Cuneta.

Nagsama silang lahat sa 1 meeting na inayos mismo ng Negros Occidental Representative. Kasama pa nga raw doon sina William Martinez at Arjo Atayde na magiging bahagi rin ng proyektong ito na may working title na Gold Squad.

Okey na raw sana lahat at magpipirmahan na ng kontrata. Isang bagay lang daw ang hindi napagkasunduan, BILLING.

Umokey na raw ang iba bukod lang sa 2 aktor na hindi pumayag sa na-suggest na billing.

Continue reading below ↓

Umaasa pa rin naman si Cong. Albee na matuloy ito na sila pa rin ang nasa cast.

NOEL FERRER : Sana nga matuloy ang pelikula kung sakali.

Ang isang concern lang ay—sa laki ng cast (at kaukulang gastos) ng pelikula—paano kaya kikita ang ganitong project?

Buti sana kung for a good cause ang project at may beneficiary, mas magiging makabuluhan pa ito.

Ang nakakaintriga niyan ay kung sino ang dalawang aktor na hindi pumayag sa billing.

May clue po ba tayo diyan Tito Gorgy?

GORGY RULA: Ayon sa pagkalatag ng kuwento ni Cong. Albee, bale tatlong pelikula sana ang mabubuo nila na kung saan magsu-shoot sila sa Cagayan de Oro at sa Russia.

Lahat sila ay magiging bahagi sa production na umokey silang maging executive producers. Itong si Aktor ay gustong mas prominent ang pangalan niya sa executive producers. Kinontra ito ng isa pang aktor hanggang sa hindi na nila napagkasunduan.

Continue reading below ↓

Sabi naman kasi ni Cong. Albee, hindi niya iniisip na kumita siya. Basta makagawa lang daw ng ganun kalaki at isang magandang pelikulang maipagmamalaki ng ating bansa.

Nahihiya naman daw siyang palitan ito dahil nakapa-commit na siya sa dalawang aktor na ito lalo na't mga kaibigan naman niya ang dalawang aktor na ito.

JERRY OLEA: Ang ganda ng casting! Nakakalula!

Magre-reunion si Sharon sa mga past leading men niya!

May Gabby na, meron pang Richard & Aga!

Bongga rin kung may matinding eksena si Sharon with Piolo.

Kasosyo ang Reality Films... mag-REALITY CHECK sana ang dalawang aktor na may isyu sa billing.

Mala-Oceans 11... kung sino pa ang maLA OCEAN DEEP, iyon pa ang pasaway!

Good luck!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results