Himig Handog 2017 winners, deserving!

Nov 26, 2017

JERRY OLEA: Nganga si Jake Zyrus sa Himig Handog 2017, kunsaan grand winner ang bet naming Titibo-tibo! Bagyo ang titulo ng in-interpret ni Jake Zyrus, na ligwak sa Top 5 at hindi man lang naambunan ng special award. Nakaka-LSS ang Titibo-tibo na inawit ng talentadong si Moira de la Torre. Wagi ito ng P1M. Hindi ito bagay kay Jake dahil tungkol ito sa tigreng gala na nabuhay ang pagkababae na para bang bulaklak na namumukadkad. 2nd best song ang Sampu na inawit ni Jona. P500K ang cash prize nito. 3rd best song ang Extensyon na kinanta ni Iñigo Pascual. P200K ang iniuwi nito. 4th best song ang Wow na Feelings ni Janella Salvador. P150K ang natamo nito. 5th best song ang Tanghaling Tapat ng Unit 406. May P100K ito. Ang chairman ng board of judges ay si Ogie Alcasid. Nakatatlong special award ang Tayo Na Lang Kasi, na duet nina Jason Dy at Kyla: MYX Choice for Best Music Video, MOR’s Choice Award at One Music PH’s Choice for Favorite Interpreter. P50K ang bawa’t special award na iyon. May P50K din ang The Labo Song ni Kaye Cal para sa special award na Star Music Listeners’ Choice. $2K naman ang cash prize para sa TFC’s Global Choice for Favorite Song, na ipinagkaloob sa Wow na Feelings. Congrats sa winners!

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Mula sa panulat ni Libertine Amistoso, wagi ang kinanta ni Moira na Titibo-tibo na in fairness favorite talaga ni Jerry from the start dahil sa kanyang catchy tune talaga. Ang bet ko na naman na si Jona na kinanta ang awit ni Raizo Chaveldin at Biv de Vera na Sampu ay bagay na theme song ng teleserye! Gusto ko rin yung kinanta nina Jason Dy at Kyla at isinulat ng beteranong si Soc Villanueva na Tayo Na Lang Kasi. Si Soc din ang gumawa ng paborito nating Kung Ako Na Lang Sana ni Bituin Escalante. Kung dati ay may separate na program para sa Himig Handog finals katulad nang panonood natin ng pananalo ni Aiza Seguerra nang kinanta niya ang entry ni Joven Tan na Ano’ng Nangyari Sa Ating Dalawa doon pa sa apartment ninyo sa Project 6, ngayon, sa ASAP na lang ito mapapanood. At least may captive audience na at built-in advertisers ang songwriting contest na ito na tunay na nakakapagpasikat ng mga kanta pagkatapos nitong kumpetisyon. Ito rin ang layunin ng isa pang songwriting competition na PhilPop na ang hamon pa ri’y maging mas mapalaganap pa ang paglikha ng iba’t ibang genre ng kanta sa pamamagitan ng kanilang nationwide songwriting camps/workshops. Patuloy nating suportahang ang mga mga kompositor at musikerong Pilipino!

Continue reading below ↓

JERRY OLEA: Petmalu ang hugot ng Titibo-tibo. Swak sa millennials. Nakakakiliti pero swabe lang ang lyrics, which reminded me of Despacito. Iyong Sampu ni Jona, maging iyong Naririnig Mo Ba, pwedeng theme song ng teleserye. Iyong The Labo Song, malabo sa aking diwa. Malinaw na hindi ito deserving sa Magic 5. Ang Bes ni Migz Haleco... welp...

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results