Open letter ni Maine para sa fans, tagos sa puso, hindi pabebe

Nov 26, 2017

NOEL FERRER: Napakaganda ng Open Letter ni Maine sa kanyang mga fans and followers. Naniniwala ako na "you are the fans that you create"—at extension ang mga fans ng kung ano man ang prinsipyo’t pinaninindigan ng isang artista o idol. Sa ginawang ito ni Maine, inilagay niya sa lugar ang kanyang mga fans. Values check baga. Kahit saan naman, laging may pagsasala sa mga puti, itim o de kolor. Sana marami pang artista na tulad ni Maine na hindi lang popularidad ang mahalaga kundi kabutihang asal.

JERRY OLEA: “At this very moment Alden and I are just friends. We are a love team...” Payanig ang open letter ni Maine Mendoza sa fans nila ni Alden Richards, kunsaan nilinaw niya ang estado nila ng binata. Tweet ng dalaga, “I got myself, I will catch myself, and I will pick myself up.” Kalakip niyan ang bukas na liham sa AlDub Nation, kunsaan inilahad ni Maine ang mga hinaing niya sa mga tagahanga. Inamin niya na may panahong hindi na siya masaya dahil sa pagdidikta ng mga nakapaligid sa kanya, ng mga taong pinagkatiwalaan niya at inakalang nagmamalasakit sa kanya. Tagos sa puso ang pagpapakatotoo ni Maine. Hindi pabebe.

Continue reading below ↓

GORGY RULA: Lalo akong humanga kay Maine. Hindi lang ito para sa kanya, kundi kay Alden na rin. Ewan ko ba naman kasi, bakit ang mga artista ngayon nagpapadikta sa fans. Di ba dapat humahanga sila dahil nagustuhan nila ang artistang iniidolo nila? Bakit sila ang nasusunod? Bakit sila ang nagdidikta?

JERRY OLEA: Huwag kasing ipilit. Kung talagang hindi uukol, hindi bubukol. Respetuhin natin sina Alden at Maine kung ano (at sino) ang tunay na makakapagpaligaya sa kanila. Hayaan natin kung iba ang itinitibok ng puso nila. Oo, mahal nila ang isa’t isa. Pero tanggapin natin na may hangganan ang uri ng pagkalinga at pagtingin nila para sa isa’t isa.

Read Next
Read More Stories About
Maine Mendoza open letter
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results