Pia Wurtzbach, walang nagawa para tulungan si Rachel Peters?

Nov 27, 2017

NOEL FERRER: Bigong pumasok sa Top 5 ang ating kandidata na si Rachel Peters sa Miss Universe.

Una siyang pumasok sa Top 16, humataw sa swimsuit round, pumasok sa Top 10.

Umariba sa long gown competition at, ayun, hindi na napasama sa Top 5 na kinabilangan nina Misses South Africa, Venezuela, Thailand, Colombia, and Jamaica.

Mga tanong ng mga beki sa social media:

1. May kinalaman ba sa gown ang kanyang pagkakaligwak?

2. Wala bang nagawa si Pia para itulak ang kanyang ranking o pagpayuhan si Rachel sa mga gagawin niya sa pageant bilang isang beterana sa kumpetisyon?

3. May kinalaman ba ang pagiging magkaiba ng trainor nina Pia at Rachel sa di niya pagwawagi—dahil taga-Aces and Queens si Pia at Kagandahang Flores naman si Rachel?

Ano’ng say ninyo mga kapatid?

GORGY RULA: Nakausap namin noon si Jonas Gaffud, sinabi nyang kaibigan nya si Rachel Peters.

Pagkatapos manalo ni Rachel sa Binibini, nagkaroon daw ng chance na magkausap sila. Nandun daw ang suporta niya, dahil niri-represent naman daw ni Rachel ang ating bansa.

Continue reading below ↓

Sa tingin ko naman, laban 'yan ni Rachel. Kahit ano pang training ni Pia sa kanya, kung hanggang sa Top 10 lang talaga si Rachel, wala na siyang magagawa.

Tama ba siguro na isa lang ang Peters sa Top 3, si Ms. South Africa yun.


JERRY OLEA: And then there were three... Miss Jamaica, Miss Colombia, and Miss South Africa.

Continue reading below ↓

With her kapa, ang dating ni Jamaica ay reynang-reyna.

With Steve Harvey as host again and Pia Wurtzbach as one of the telecast judges, bongga kung Colombia ang aariba.

Performer sa Miss U si Rachel Patten, at Peters ang apelyido ni Miss South Africa.

Pagdating ng moment na pinapanaginipan... 2nd runner-up si Miss Jamaica. 1st runner-up si Miss Colombia.

At sa ikalawang pagkakataon, wagi sa Miss Universe ang South Africa.

JERRY OLEA: Sa kasaysayan ng Miss Universe, walong korona ang nasungkit ng USA.

Nakapito ang Venezuela. Nakalima ang Puerto Rico. Nakatatlo ang Pilipinas.

Tigdadalawa ang South Africa, France, Colombia, Mexico, Japan, Canada, Australia, India, Trinidad and Tobago, Thailand, Finland, at Brazil.

Noong 1978 unang nagwagi sa Miss U ang South Africa.

NOEL FERRER: Focus ang singular theme ng Miss Universe this year—ang empowerment.

Mula sa VTR capsules hanggang sa mga questions sa Q&A and even to the choice of singers and song choices, solid at powerful ang pagpapatingkad ng bagong pamantayan ng kagandahan—hindi lang pisikal kundi  matatag at may kabuluhang kagandahan.

Continue reading below ↓

Truly, the concept of beauty has evolved and developed.

And did you notice—ibinalik ang Mikomoto crown!!!

Congratulations, Miss Universe is Miss South Africa! You are so deserving, Miss Peters!

JERRY OLEA: Ligwak si Mariel de Leon sa Top 15 ng 57th Miss International.

Laglag si Laura Lehmann sa Top 15 ng 67th Miss World.

At least, pasok si Rachel Peters sa Top 10 ng 66th Miss Universe.

Hope springs eternal para sa mga Pinoy. Better luck next year!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results