Aral sa nangyari kay Maria Isabel Lopez: Kung gagawa ng kabulastugan, huwag i-post sa social media

Nov 27, 2017

GORGY RULA: Kakukuha lang ng impormasyon mula sa LTO, tuluyan nang ni-revoke ang driver's license ng dating beauty queen/actress na si Ma. Isabel Lopez.

Ito ang desisyong ibinaba ng LTO pagkatapos magsumite ng position paper kamakailan lang.

Bukod pa rito, pinagbayad si Isabel ng penalty na 8k na naka-breakdown sa 3 paglabag sa traffic rules na ikinaso laban sa kanya.

Ayon kay LTO director Francis Almora, after 2 years ay puwede namang mag-apply si Isabel ng panibagong lisensiya at kailangang mapatunayang karapat-dapat na siyang isyuhan ng panibagong driver's license.

As of press time, hinihingan ng pahayag si Isabel Lopez, pero hindi pa siya sumasagot sa aming tawag at text.

NOEL FERRER: This just goes to show na no one is above the law.

Let this be a lesson learned for those people na parang badge of honor pang ipinaglalandakan ang pagtsa-challenge sa mga batas.

Ano kaya ang nangyari sa apela ni Isabel na kesyo first time niyang lumabag sa traffic regulation at aniya, isa na siyang senior citizen. Ibig bang sabihin ay nabale wala na iyun?

Continue reading below ↓

JERRY OLEA: Nawa’y magsilbing aral ito sa mga pasaway.

Kung gagawa ng kabulastugan, huwag ipagmayabang. Huwag i-post sa social media.

Kung hindi ka nakatiis at ipinagmayabang mo, at ipinatawag ka ng kaukulang ahensya ng gobyerno... mag-behave ka na. Magpakumbaba.

Huwag kang magtuturo. Hindi ka makakakuha ng simpatiya sa ganyang paraan.

Huwag ka nang humirit kung butata ka na.

Kung hindi mo matanggap ang parusang ipinataw sa iyo, at sukang-suka ka sa pamamalakad ng pamahalaan... mangibang-bansa ka.

Gawin mong kapaki-pakinabang ang iyong buhay kesa magmarakulyo ka sa kinahinatnan ng iyong paninindigan.

Read Next
Read More Stories About
Maria Isabel Lopez
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results