Showbiz personalities na sangkot sa illegal drugs, nanganganib na mahuli rin

Nov 28, 2017

JERRY OLEA: Na-shookt ang mga Sirena at Diwata sa pagkahuli ng PDEA sa 11 lalaking naka-brief sa Room 609 ng isang yayamaning hotel sa BGC, Taguig City.

Tinatayang P387K ang halaga ng mga drogang nasamsam sa kanila, kabilang ang liquid ecstasy at shabu.

Mabilis na kumalat sa socmed ang mug shots ng 11 lalaki, at ang video kung saan ihinarap sila sa media.

Kabilang sa 11 ang isang dating aktor, at isang HIV+.

Ipinangalandakan na lahat o karamihan sa 11 lalaki ay homosexuals na nagpi-PNP (Party ‘N’ Play) o chemsex.

Lumutang pa ang term na chemrom (chemical romance).

Nakakawindang ang tsika na ang isang bortalicious actor na na-link sa isang comedienne ay katropa ng ilan sa 11 lalaki.

Paminsan-minsan ay nakiki-party-party rin si Kuya sa mga ito.

Usap-usapan din na ang isang sikat na young actor eh nagtutulak ng droga sa BGC, at performer din minsan sa mga ganitong pagtitipon.

Continue reading below ↓

Sabi ng isang beteranong reporter, “Matagal na ang ganyang kalakaran. Noong araw, iyong mestisong bold actor ay hari-harian sa mga orgy ng straight-looking gays.

“Tradisyon nila ang ganyang kahalayan kapag Semana Santa sa isang isla na dinadayo ng mga dayukdok sa laman.”

Siyempre pa, naungkat din ang isyu sa isang kilalang bading na kasosyo sa mga sosyaling night club.

Kuwento ng beteranong reporter, “Kilala ang bading na iyan na nagpapasa ng ecstasy, tapos, tinatangay niya ang lalaki. Muntik na niyang mabiktima ang isang kakilala ko.”

GORGY RULA: Mukhang marami pang mauungkat sa matagal nang bisyo ng mga sosyaling personalidad sa BGC.

Kaya dapat nang mag-ingat ang mga sikat na artistang sangkot pa rin sa droga. Lalo na itong guwapitong young actor na sinasabing isa sa nagsu-supply ng party pills sa mga kagrupo nya.

Ilan sa mga kakilala kong nakatira sa BGC ay nagsasabing alam na ng halos lahat na involved sa ganujg bisyo, itong gawain nitong guwapitong young actor.

Continue reading below ↓

Kumusta naman kaya ang girlfriend niya?

NOEL FERRER: Nakakalungkot yung ganitong mga balita lalo pa’t nasasayang ang buhay ng mga high profile at sikat na personalidad na mga ito na imbes na magsilbing magandang ehemplo sa mga umiidolo sa kanila ay maraming hocus-focus na ginagawa.

Sana ay magsilbing babala talaga ito sa mga ibang celebrities na tumigil na sa kanilang mga nakasanayang gawi dahil mas malaking consequence ang naghihintay sa kanila sakaling sila ay matiklo.

Sabi nga ng isang popular na ad, “ingat!”

JERRY OLEA: The WHO ang aktor na kabilang sa Ocean’s 11 na nahuli sa BGC.

Kapangalan lang niya ang La Ocean Deep singer sa isang defunct Sunday noontime musical-variety show.

Yummylicious ang aktor-aktoran, na friend sa FB ng gay comedienne na napapanood sa isang patok na afternoon drama series ng malaking TV network.

Hanash ni gay comedienne na merong radio program, “Hindi ko po hada ang aktor-aktoran na iyan na kahit pogilicious eh hindi maikubli ang lansa.

Continue reading below ↓

“Hindi ko po forte na makipag-fencing tournament sa dilim. Hindi ko po bet na maki-join sa Human Centipede.

“Dalawang beses ko lang po nasilayan si aktor-aktoran sa isang sosyaling salon!”

Dahil nabanggit na artista ang isa sa 11 nadakip, sisiyasatin din ng authorities ang mga taga-showbiz na may kaugnayan dito.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results