Bonifacio Day happenings: Ogie-Regine vs. Matteo-Sarah sa concert scene?; AlDub fans nag-rally

Nov 30, 2017

NOEL FERRER: Buhay na buhay ang concert scene ngayong araw na ito, November 30, dahil magkasabay ang dalawang fast-selling concerts ni Matteo Guidicelli na Hey Matteo sa Kia Theater at ni Ogie Alcasid na Soundtrack of My Life sa Newport Performing Arts sa Resorts World.

Kasama ni Ogie as guest ang asawang si Regine Velasquez, samantalang ang alam ko ay may mga kantang ide-dedicate si Matteo para kay Sarah Geronimo, na inaasahang dadalo at manonood at susuportahan ang concert ng kanyang boyfriend.


Continue reading below ↓

Biruan nga na sa tono ng mga kanta ni Matteo, ano kaya kung bigla na lang siyang mag-propose kay Sarah dun?

While it may not happen, some of their fans are just wishful thinking.


JERRY OLEA: Ngayong Huwebes ang ika-154 Araw ng Kapanganakan ni Andres Bonifacio.

May anti-Duterte rally siyempre sa Maynila, kung saan ang hanash ni Mae Paner, aka Juana Change, habang naka-police uniform, “Ang mga pinapatay namin, mga walang kwenta. Lalaban kayo? Pupunta kayo sa Mendiola? Basta ako, mabuhay ang berdugong Presidente!”

Continue reading below ↓

Ngayon din ang ika-124 weeksary ng AlDub.

May rally ang AlDub Nation sa Broadway Centrum bilang pagpapatunay na wagas ang kanilang suporta kina Alden Richards at Maine Mendoza. Ang kanilang sigaw, “AlDub pa rin!”

Ngayon at bukas ang 22nd Asian Television Awards sa Suntec, Singapore.

Lumipad na pa-Merlion City si Tirso Cruz III, ang tanging artistang Pinoy na nominado roon para sa pagganap niya sa teleseryeng Wildflower.

Katunggali niya sa kategoryang Best Supporting Actor sina Han Chang ng Taiwan, Chen Mu Yi & Sani Hussin ng Singapore, at Oabnithi & Krissanapoom ng Thailand.

Tweet ni Pip, “Pls. pray for me. May the favor of the Lord be upon us. To God be all the glory!”

Ngayon din ang huling araw ng pagpaparehistro para makaboto sa barangay & Sangguniang Kabataan elections sa Mayo 2018, at sa regular elections sa Mayo 2019.

Pahayag ng Comelec, “Ipakita ang iyong pag-ibig sa tinubuang lupa sa pamamagitan ng pagpaparehistro upang makaboto. Huling araw na kaya't magmadali!”

Continue reading below ↓

Tungkol sa “sabong” nina Ogie at Matteo mamayang gabi, magkaiba sila ng crowd. May kani-kanya silang hukbo ng fans.

GORGY RULA: Naalala ko noon na sinasabi ng taga-Viva na desisyon daw nina Matteo at Sarah na ayaw nilang magsama sa isang show.

Tingnan natin mamaya kung susundin nila yun o magbago ang isip at baka nga mag-surprise si Sarah bilang suporta kay Matteo.

Sa concert naman nina Ogie at Regine, hindi pa rin sila nakakasawang panoorin, at may captive audience na talaga sila.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results