May puwang ba ang isa pang Rachel sa showbiz industry?

Dec 4, 2017

GORGY RULA: Dumating na kaninang 6 ng umaga si Miss Universe Philippines 2017 Rachel Peters lulan ng PR 106 mula Los Angeles, California.

Sabi ni Peters, proud siya na umabot siya ng top 10 sa Miss Universe, at humbling experience daw sa kanya nang nakita niya sa social media ang suporta ng buong Pilipinas.

Masaya raw siya sa pagkapanalo ni Demi-Leigh Nel-Peters ng South Africa.


Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Aside from her Binibining Pilipinas duties, ano kayang ibang career ang haharapin ni Rachel Peters?

Mag-aartista rin kaya siya, which is the usual path ng mga beauty title holders o palalakihin na niya ang sinimulang coffee shop sa Siargao?

I’m sure a lot of opportunities are opening up kay Rachel. Hindi man siya nagwagi bilang Miss Universe, meron at meron siyang magandang puwedeng magawa.

JERRY OLEA: Mas maganda siguro na magnegosyo siya, at mag-focus sa kanyang nobyo na labis-labis ang pagmamahal sa kanya.

Tatlo na ang Rachel sa local showbiz.

Andiyan si Rachel Lobangco, a.k.a. Kokak, na napakagaling mag-fire dance. Seksing-seksi pa siya at nagmumura ang alindog sa mga photo shoot, kesehodang dalaga na ang kanyang “mini me.”

Nandiyan din si Rachel Alejandro, na palaban bilang best supporting actress sa MMFF 2017 para sa pelikulang Ang Larawan.

At siyempre, andiyan si Rachel Arenas na maayos ang pamamalakad sa MTRCB.

Continue reading below ↓

Sapat na ang mga Rachel na iyan sa entertainment industry.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results