Ivan Dorschner, goodbye na ba talaga sa love team nila ni Barbie Forteza?

Dec 7, 2017

JERRY OLEA: Isa si Ivan Dorschner sa mga suporta ng upcoming Kapuso teleseryeng The One That Got Away.

Naku! Paano na ang tambalan nila ni Barbie Forteza?

May mga nagpu-push na si Ivan ang i-love team kay Barbie sa bagong indie movie na gagawin ng dalaga.

Well, ang sabi ni Ivan nang makausap namin sa #PaskongKapuso2017 (Christmas party ng GMA-7 para sa mga taga-media) kagabi, December 6, may bago silang project ni Barbie together!


Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Malaking tulong kay Ivan kung sakali ang pagkakapares talaga kay Barbie for more masa appeal at para mas mahawaan pa siya ng husay sa pag-arte ni Barbie.

Anong ibig sabihin nito, wala na talaga ang tambalang Barbie at Ken after hindi ito kinagat ng paying audiences sa “This Time I’ll Be Sweeter?”

Ok na rin lang, dahil baka mas bagay mag Destiny Rose 2 si Ken para naman hindi solo ni Martin del Rosario ang mga “alternative” roles bilang bagong “Barbs” (na jokingly short for Barbie? Hahaha!)

GORGY RULA: Sana di makaapekto ang relasyon nina Barbie at Jak Roberto sa kung ano mang pagsasamahan nina Barbie at Ivan.

Pero wala pa rin kasing anghang si Ivan eh. Parang boringa!


Continue reading below ↓

JERRY OLEA: Ang sweet-sweet ni Ivan sa mga chumika at nagpa-picture sa kanya sa party, kaya ayokong maging maanghang, mapait o maasim sa kanya.

May mga nagsa-suggest din na gawing love triangle sina Ivan, Barbie at Jak.

NOEL FERRER: So, wala na sa equation talaga si Ken?

Hindi ba ok rin na magkaroon ng mala-Pusong Mamon triangle sina Ivan, Ken, at Barbie?

Masaya yun kung nagkataon!

Read Next
Read More Stories About
Ivan Dorschner
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results