Indie films, nakakalungkot ang sinapit sa takilya

Dec 8, 2017

GORGY RULA: Napag-alaman ng PEP Alerts na umabot ng halos 400,000 pesos ang kinita sa unang araw na showing ng pelikulang Smaller and Smaller Circles at Ang Guro Kong Di Marunong Magbasa.



Continue reading below ↓
Continue reading below ↓
Recommended Videos

Ang Kamandag ng Droga naman ay halos 100,000 pesos lang daw.

Magkasabay silang ipinalabas nung nakaraang Miyerkules, at ang tantiya ng aming source, bumaba na ito sa pangalawang araw.

Para sa isang indie film kagaya ng Guro, maituturing na okay na ang ganung kita sa unang araw ng showing.

Kahit paano, okay pa rin ang kinikita ng Unexpectedly Yours, at kahit ang Trip Ubusan na naka-isang milyon pa raw nung nakaraang Miyerkules.

Inaasahang babawi ang mga ito sa weekend, pero baka nabawasan na raw ito ng sinehan.

Abangan na lang sa darating na Pasko ang pagsisimula ng Metro Manila Film Festival.

JERRY OLEA: Eto na naman ako at nagsasabing walang keber ang Pinoy moviegoers na manood ng local movies pag December bago ang MMFF.

Ganito na ang ganap noon pa mang 1980s.

Ang inaabangan this year eh ang Star Wars: The Last Jedi.

Mapapanood ba ito sa IMAX theaters habang ongoing ang December filmfest?

Continue reading below ↓

Dalawang MMFF 2017 entries na ang napanood namin, at pareho naming nagustuhan ang mga ito — Ang Larawan at Deadma Walking.

Masustansiya para sa puso at kaluluwa ang dalawang pelikulang ito, na walang ilusyon na mag-topgrosser.


JERRY OLEA: Noon pa gusto ni Paulo Avelino na gumawa ng musical film pero nag-hesitate siya na mag-audition sa papel na Tony Javier sa Ang Larawan.

Continue reading below ↓

Kuwento ni Paulo matapos ang preview sa Promenade, “I felt it was too early to do a musical, pero sinabihan ako ng manager ko to audition.

“Sinuwerte naman ako.”

Puyat o lasing si Tony Javier sa mga eksena. Bisi-bisihan siya sa mga taping nang mga panahong iyon, kaya natural ang pagod niya.

“Totoo yung lalim ng eyebags ko,” sambit ni Paulo.

Nag-aral siyang mag-piano at nakasabay naman siya.

Na-enjoy ni Paulo ang paggawa ng pelikula kahit nahirapan siya sa pagkanta-kanta.

“Kailangan kasi, pitch perfect. Si Miss Celeste [Legaspi], alam agad niya pag wala sa pitch,” sabi ni Paulo.

“Salamat at naitawid ko naman.”

Ang TF dito ni Paulo ay isang painting.


Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Nalulungkot pa rin ako sa sinapit ng Smaller And Smaller Circles na pa-smaller and smaller ang audiences na nanonood kahit talaga namang napakaganda ng pelikula.

Sana dumating ang panahon na maitawid sa mas nakararaming manonood ang pagsuporta sa magagandang pelikula.

Sana dahil sa magandang word-of-mouth, kumita ang mga pelikulang Ang Larawan at Deadma Walking sa MMFF 2017.

Read Next
Read More Stories About
box office
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results