LGBT community, rarampa sa Quezon City para sa Pride March

Dec 9, 2017

JERRY OLEA: Kahapon pa sarado ang ilang kalye na malapit sa Tomas Morato Extension, Quezon City, para sa QC LGBT Pride March 2017 ngayong Sabado, December 9.

“Pride in QC, Safe & Free” ang tema ng pagdiriwang.

LIBRE po ito at welcome ang lahat — Lalaki, Girl, Bakla, Tomboy, taga-QC man o hindi, kahit alien (sana, desirable).


Continue reading below ↓

1:00-3:00 PM ang registration sa stage area (malapit sa Rembrandt Hotel).

3:00 PM ang parada, na pangungunahan ng Mr. Gay World 2017 na si John Raspado.

Nang usisain ko ang hitod kung ano ang ususuot niya sa parada, mabilis ang sagot niya without ‘bashing’ an eyelash, “Tanga!”

Talaga lang, huh?!


Continue reading below ↓

5:00 PM naka-schedule ang fashion show, at kabilang sa magpapasiklab dito ang bikini models ni Bembem Kho aka Michael Espanto aka Choco Batok.

Inanyayahang magbigay ng Solidarity Message sa programa sina Tito Boy Abunda at Congresswoman Geraldine Roman.

May libreng HIV testing dito.

Sandamakmak ang mabibiling beer, drinks & fudz sa murang halaga.

Let’s be happy & gay!


Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Nasa sked ng Deadma Walking star na si Edgar Allan (EA) Guzman ang dumalo sa naturang QC Pride March, kasama ng ilang machong kabilang sa pelikula, mamaya at magkikita-kita sila sa Limbaga 77 ng 2 PM.

Magandang pagkakataon para makiisa sa layunin at programa ng mga kapatid nating nasa LGBT community.

Aside from Tito Boy Abunda and some of our politicos, will there be actors and actresses taking the lead in today’s march?

Meron bang maglalakas-loob na umaminbo maglahad ng mga karanasan at estado nila bilang member ng LGBT community.


Continue reading below ↓

Di ba, last year nakikiisa si Ate Guy (Nora Aunor) sa LGBT causes at sinabing parte yung pagdalo niya sa isang pelikula na in the process ng pagbubuo?

Nasabi namang inaanyayahang maging pasok sa project with Ate Guy sina Paolo Ballesteros, Fanny Serrano, Richard Quan, among many others.

Sinu-sino pa kaya sa mga icons ng henerasyon ng entertainment actors ang bubulaga sa atin bilang pagsasakongkreto sa pagtulong sa LGBT community?

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results