Welcome to the Christian world, Baby Talitha Sotto!

Dec 10, 2017

GORGY RULA: Hindi na umabot si Alden Richards sa binyag ng baby nina Vic Sotto at Pauleen Luna na si Talitha Maria.

Kaninang ala-una ng hapon ang binyag na ginanap sa St. James Parish Church sa Alabang kung saan sila nagpakasal sina Vic at Pauleen noong January 30, 2016.

Isa si Alden sa kinuhang ninong kasama ang kapatid ni Vic na si Maru Sotto at ang younger brother ni Pauleen na si Miki Luna.

Kasama rin bilang ninang sina Direk Bibeth Orteza at Ruby Rodriguez.

Nasa Sunday Pinasaya kasi si Alden at susubukan pa sana niyang humabol sa reception sa Phoenix Restaurant sa Alabang din, pero hanggang alas tres lang sila kaya di na rin niya kinayang makahabol pa ni Alden.

Dumalo ang pamilya ng mag-asawa, kasama ang anak ni Bossing Vic na sina Oyoboy, Paulina, at Vico Sotto.


Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Welcome to the Christian world, Talitha Maria Luna-Sotto! Isa kang maaga at magandang Christmas gift sa iyong pamilya! Sana magbigay ka ng swerte at ligaya sa mga taong makikilala mo tulad na lang ng mga magulang mo.

JERRY OLEA: Ang ganda ng combination nina Pauleen at Bossing Vic, huh. Wish ko lang na masundan ng isa o dalawa pang anak si Talitha Maria. Kahit tatlo pa.


Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Vic Sotto, Pauleen Luna
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results