FIRST LOOK: Ai-Ai delas Alas and Gerald Sibayan wedding

Dec 12, 2017

GORGY RULA: Katatapos lang wedding march ng kasalang Gerald Sibayan at Ai-Ai delas Alas na ginaganap sa Christ the King Church, Greenmeadows, Quezon City, ngayong Martes, December 12.

Hindi napigilang maluha ng Kapuso Comedy Queen pagpasok ng simbahan at nagsimulang maghiwayan ang mga kaibigang naghihintay sa kanyang pagpasok.

Best wishes, Ai-Ai!

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on


Continue reading below ↓

The groom Gerald Sibayan with his parents

Si Martin Nievera ang kumanta ng awiting "Ngayon at Kailanman," ang wedding song na ginamit sa pagmartsa ni Ai-Ai.

Ilan sa mga kilalang celebrities na ninong at ninang ay sina Sen. Richard Gordon, former Gov. Chavit Singson, GMA-7 boss Atty. Felipe L. Gozon, Mr. Tony Tuviera, Lolit Solis, Marivin Arayata, at Ana Puno.


Continue reading below ↓

Senator Richard Gordon in one of the principal sponsors


Mr. Tony Tuviera and Ms. Marivin Arayata


Continue reading below ↓

Atty. Felipe Gozon and Roselle Monteverde (representing Mother Lily Monteverde)

Isa sa mga ninang si Mother Lily Monteverde pero ang anak na si Roselle Monteverde ang nag-proxy sa kanya.

Sa secondary sponsors naman ay ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera, sina Vic Sotto at Pauleen Luna, at Ogie Alcasid at Regine Velasquez.


Continue reading below ↓

Dingdong Dantes and Marian Rivera-Dantes


Vic Sotto and Pauleen Luna-Sotto

Si Sharon Cuneta ang Matron of Honor at si Alden Richards naman ang Best Man.

Sa hanay ng groomsmen at bridesmaids naman ay sina Piolo Pascual, Pops Fernandez, Rufa Mae Quinto, Marvin Agustin, Bayani Agbayani, Jose Manalo, Barbie Forteza, Nikki Valdez, at Valeen Montenegro.

Continue reading below ↓


Jose Manalo and Rufa Mae Quinto


Continue reading below ↓

Marvin Agustin and Nikki Valdez


Barbie Forteza and one of the groomsmen

Pitong obispo at pitong pari ang nagkakasal sa kanila ngayon.

Si Frederick Peralta ang gumawa ng gown, at ang veil na suot ng bride ay may hand painting ni Direk Louie Ignacio.

Na-late ng dating ang isang ninong, si dating Vice President Jejomar Binay.

Continue reading below ↓

Hindi pa rin napigilan ni Ai-Ai na magpatawa sa seremonya.

Sa exchange of vows, "Super yes I do" ang sagot niya.

Nang isinuot niya ang wedding ring kay Gerald, sabi niya, "Hindi magkasya, 'ning!"

NOEL FERRER: Parang pelikula lang pala ito.

Sana puno ng ligaya at komedya ang relasyon na ito ni Ai-Ai; at sana ito na ang forever niya!

Exciting kasi after Pacho Magno and Max Collins, tapos ito ngang kasalang Ai-Ai delas Alas at Gerald Sibayan, naka-lineup na sa January ang Maxene Magalona at Robby Mananquil sa January!

It’s the season of love and tying of the knot talaga!!!

JERRY OLEA: Maraming nagpapakasal kung December.

Masarap mag-honeymoon sa buwang ito! Mainit ang Pasko!

Siyempre pa, sa dami ng pinagdaanan ng bride... wish natin na ang May-December affair nila ni Gerald ay forever!

Mabuhay ang bagong kasal!

NOEL FERRER: At kahapon lang na birthday ko, nakakuha ako ng panggulat na SAVE THE DATE para sa isa na naman wedding sa 1-22-18.

Continue reading below ↓

Nakakagulat dahil hindi alam sa showbiz na may karelasyon siya, at parang marami pang katulad niyang galing reality show na expected maunang ikasal sa kanya.

But sincerely, I’m happy for him and his fiancée! Naganap ang engagement about the end of last year din... Tahimik at simpleng masaya sila, in fairness!

Don’t we all want to be just that?

Keep on loving (and laughing) everyone!!! #maturity #goodvibes

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results