Richard Gomez, magkakaroon ng art exhibit para sa mga bata ng Ormoc

Dec 13, 2017

JERRY OLEA: Magpapasinghot ng kultura si Goma!

Magsisimula ang unang one-man exhibit ni Richard Gomez na Surface sa Disyembre 17, Linggo, 5 PM, sa Pinto Art Museum, 1 Sierra Madre St., Grand Heights Subdivision, Brgy. San Roque, Antipolo, Rizal.


Ookupahin ng mga obra ni Ormoc City Mayor Gomez ang apat na gallery ng nasabing museum.

Continue reading below ↓

Almost done w this work. 2 more layers then its done. Time to go to a brgy fiesta first here in Ormoc. #triptych #goldenpaint

A post shared by Richard Gomez �??��??� (@richardgomezinstagram) on

Ang sabi ng premyadong makata na si Carlomar Arcangel Daoana, “Richard Gomez presents his vision — and version — of the world through large-scale works composed of full-bodied expressions of the painted gesture.

“Hence, the title of the exhibit alludes to the canvas as slate on which drips of paint are projected and enacted through the action of the wrist, the forearm, the entire body in order to physicalize presence and the inner state of the artist.”

Beneficiary ng exhibit ang K.I.D.S. Foundation.

Tatagal ang exhibit hanggang Enero 16, 2018.

Had the time to continue painting this morning in preparation for December 17 at the @pinto.art gallery in Antipolo, Rizal

A post shared by Richard Gomez �??��??� (@richardgomezinstagram) on

NOEL FERRER: Sa pagka-busy ni Goma bilang mayor ng Ormoc City, magtataka ka kung paano pa siya nakakuha ng oras para gawin ang mga artworks na ito.

Iisa lang ang driving force niya, aside from art being his stress reliever—gusto raw niyang magpagawa ng playground for the Children of Ormoc.

Kaya magandang makita ang exhibit na ito, at makakatulong pa tayo sa mga bata sa Ormoc.

Continue reading below ↓

and in the aftermath, the star still shines... #acrylicpainting #goldenpaints

A post shared by Richard Gomez �??��??� (@richardgomezinstagram) on

JERRY OLEA: Mahusay ring photographer si Goma.

Kung hindi ako nagkakamali, ang pumanaw niyang discoverer-manager na si Tito Douglas Quijano ang nakaimpluwensiya kay Goma kaya nagkahilig siya sa photography.

Maliban sa pangongolekta ng bags, mahilig din si Tito Dougs na mangolekta o mag-invest sa paintings.

Siyangapala, December 2008 nang magpa-house blessing noon si Tito Dougs sa Lucban, Quezon.

Pinabasbasan niya ang kanyang bahay bago mag-Pasko. Ganitong panahon iyon.

GORGY RULA: Si Mayor Goma ang isa sa dapat pamarisan ng mga kabataang aktor natin sa ngayon.

Sa halip na mag-part- party o gumawa ng sex video, mag explore pa sana sila sa mas productive na gawain o yung mga bagay na magamit pa nila ang ibang skill o talent.

Wala na kailangang patunayan pa si Mayor Goma. Sana, puwede pa nila ni Cong. Lucy sundan si Juliana. Yun na lang talaga!

JERRY OLEA: Magpapasinghot din ng kultura ang MMDA!

Ngayong Miyerkules, December 13, ang launch ng Metropolitan Manila Development Authority sa completion ng ‘Pasig River Art for Urban Change’ project sa pamamagitan ng river cruise.

Continue reading below ↓

Masisilayan ng publiko ang murals sa siyam na pumping stations kapag sumakay sila sa ferry o naglibot sa mga lansangan at tulay sa may Ilog Pasig.

Ang murals ay likha nina Archie Oclos, Cristina Lina & Malarko Hernandez, Ged Alangui, Julius Sebastian, Kris Abrigo, Luigi Almuena, Ralph Eya, at Team Manila Graphic Design Studio.

Matutunghayan ang murals sa Arroceros, Aviles, Binondo, Escolta, San Francisco, Makati, Paco, Quiapo, at Valenzuela.

Mahigit 100 tao ang nakibahagi sa art production, kabilang ang volunteers at mga empleyado ng MMDA.

Katuwang ng MMDA sa proyektong ito ang British Council, Davies Paints, San Miguel Holdings Corp., at One Redesign Manila.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results