Engrande ang 43rd MMFF Parade of Stars sa Sabado, Disyembre 23 sa Muntinlupa City

Dec 17, 2017

JERRY OLEA: Mag-uumpisa ang parada ng mga bituin at starlet ng 2:00 PM sa Muntinlupa Sports Complex, papuntang Filinvest Event Ground.

5.5 kilometers ang haba ng parada, na tinatayang tatagal nang tatlong oras.

12:00 NN pa lang ay magsasara ng national road ang Muntinlupa. Bubuksan iyon matapos ang parada.

May programa habang ginaganap ang parada, at babati sa fans ang mga lodi na petmalu at ewan.

Dini-discourage ang mga manonood ng parada na magdala ng bag. Kung magdadala ng bag, sana ay transparent.

1,500 security personnel ang itatalaga sa parada, kabilang ang mga tauhan ng PNP, MMDA, local security, at volunteers mula sa mga barangay.

Ang premyo sa best float ay P200,000.

Matapos ang parada, ang floats ay didiretso sa QC Memorial Circle para i-display.

From South to North, huh?!

Delayed ang TV coverage ng parada. Ite-telecast ito ng TV5 sa Disyembre 24, Linggo, 10:30 PM.

Ang gabi ng parangal ay sa Disyembre 27 sa Kia Theater, Araneta Center, Cubao, QC.

Continue reading below ↓

Delayed din ang telecast nito — Disyembre 28 nang 4:15 PM sa TV5 pa rin.

NOEL FERRER : Noong una, ang tanong namin sa Execom, darating ba ang mga tao sa Muntinlupa?

Pero noong i-assure kami ng local government nila na with the great interest of people in this year’s festival, madali lang daw nilang mapuno ito—lalo na sa pinagsanib na fans ng mga stars ng mga pelikulang lahok, their crowd estimate may be comparable sa biggest Metro Manila campaign crowd daw noon ni Presidente Digong.

Hindi rin malayo na ang mga tao sa karatig pook ng Muntinlupa tulad ng Cavite at Laguna pati na ang Parañaque may dumayo rin sa Muntinlupa.

Don’t count out the loyal fans of the stars na may entries. This may also be a record-breaking audience, too! Sana, sana!

Ramdam niyo na ba ang escalating MMFF fever mga kapatid?

JERRY OLEA: Wish ko lang na huwag magkasakit si Coco Martin para makasama siya sa Parade of Stars.

Continue reading below ↓

Juice colored! Dinadagsa si Coco sa mga probinsyang binibisita niya para sa promo ng Ang Panday, kaya siguradong tatauhin ang parada sa Sabado nang hapon sa Muntinlupa!

Syempre pa, dadagsa rin ang fans ni Daniel Padilla!

May kani-kanya ring hukbo ng tagahanga ang iba pang MMFF 2017 stars gaya nina Jennylyn Mercado, Derek Ramsay, Pia Wurtzbach, Vice Ganda, Vic Sotto, Dawn Zulueta, Jericho Rosales, Erich Gonzales, Jasmine Curtis Smith, Joross Gamboa, Edgar Allan Guzman, Paulo Avelino, Rachel Alejandro, Jake Cuenca, Awra, Kylie Verzosa, McLisse, at ang pogilicious na si Hashtag Jameson.

Yum! Yum! Yum!

NOEL FERRER: And for the first time, malalaman niyo na ang pagkakasunud-sunod ng floats sa Parade of Stars.

1. Ang Larawan
2. Ang Panday
3. Haunted Forest
4. Gandarrapido: The Revenger Squad
5. Meant To Beh
6. Deadma Walking
7. Siargao
8. All of You

JERRY OLEA: Waley sa MMFF 2017 Parade of Stars ang bida sa Ang Larawan na si Joanna Ampil.

Continue reading below ↓

Sa Disyembre 25 nakatakda ang pag-uwi niya sa bansa, kaya sa Gabi ng Parangal pa natin siya masisilayan.

Mas magiging mabituin ang parada kung lalahok dito ang mga nag-cameo sa official entries, gaya nina Piolo Pascual, Gerald Anderson, Iza Calzado, Eugene Domingo, Jaclyn Jose, Zsa Zsa Padilla, Rayver Cruz, Rafael Rosell, Ejay Falcon, Lito Lapid, Albert Martinez, Arjo Atayde, Ricky Davao, Dulce, Celeste Legaspi, Nanette Inventor, Robert Arevalo, Jeric Raval, Sandino Martin at iba pa.

Selfie pa more!

GORGY RULA: Excited ako kina Joross Gamboa at Edgar Allan Guzman na magmu-mujer daw sa parada. Kaya kawawa naman daw ang Christmas balls nila na ilang oras mapipipi.

E, mag-costume din daw ang mga bida ng Ang Larawan? Kaya hulas-hulasan sila nyan sa kalye, 'di ba?

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results