Hindi malamig ang Pasko ni Hidilyn

Dec 17, 2017

NOEL FERRER: Nakahabol sa Pasko ang pagka-jackpot ng ating Olympic silver medalist na si Hidilyn Diaz sa pagkakaroon ng bagong boyfriend in the person of Julius Irvin Naranjo, isang weightlifter at videographer na taga-Guam.



Continue reading below ↓

Nagkakilala sila sa Turkmenistan sa isang weightlifting competition at doon nagkahulugan ng loob.

Pareho sina Julius at Haidie na galing sa malungkot na relasyon at ingat sila na hindi ito love on the rebound.

Kahit long distance ang kanilang relasyon, sinisikap nilang maayos ang komunikasyon nila, at dahil hindi nila matiis, dinalaw talaga ni Julius si Haidie sa Pinas, at pagkatapos nilang mag-guest sa radio program ko kagabi sa Radyo Inquirer, lumipad silang papuntang Cebu and after, sa Siargao naman sila tutuloy.


Continue reading below ↓

At hindi natatapos dun ang kanilang love adventure.

Kayanin niyo ito—ipapakilala na ni Julius si Haidie sa kanyang magulang at pamilya sa Guam ngayong Pasko!

In love na ang ating weightlifting fairy!!!

JERRY OLEA: Mala-fairy tale story ba ito?

Masyado pang maaga para asahan natin ang “and they live happily ever after.”

Sa ngayon ay pampa-good vibes at pampainit sa Pasko ang kanilang pagmamahalan.

Cheers!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results