Rep. Lucy Torres-Gomez, suportado ang pagpipinta ni Mayor Goma

Dec 18, 2017

JERRY OLEA: Inspiration ni Richard Gomez bilang artist ang kanyang mag-ina (Lucy at Juliana) at ang mga ganap sa Ormoc City kung saan siya ang tumatayong ama.

“We’re a very easy couple,” sambit ni Ma'am Lucy nang mainterbyu namin sa Pinto Art Museum kagabi, December 17, matapos ang ribbon-cutting ceremony ng SURFACE exhibit ni Goma na tatagal nang isang buwan doon.


Continue reading below ↓

Lucy Torres-Gomez with Richard Gomez's painting, Rose Gagnate de Lucy

“I always want na happy lang sa bahay. So, wala kaming rules.

“Kung ano ang gusto niyang gawin, I let him be.

"If he wants to use the entire living room to work on something, or the entire garden, that’s his ano...

“Nakikita ko sa kanya kasi, ever since naman before, mahilig talaga siya sa art.

“In fact, noong bagong kasal kami at nag-o-organize ako ng mga gamit niya, I would see mga old works of his na parang nakakalat lang.

“Wala lang sa kanya.

“So, I would keep it and then... sentimental ako, di ba?

“Through the years, ganun nang ganun.

"Nagtatrabaho siya pag may time, but this year... particularly the past two years, napadalas.

“Maybe because, sa tingin ko lang, ha? Siguro, because it’s his stress-reliever siguro with all the work he has to deal with in his capacity now as public servant.

Continue reading below ↓


Cat Fight

“Mapapansin ninyo sa work niya, it’s all very... it’s expressive of what he has gone through.

“Nadaanan yung Yolanda. Nadaanan yung earthquake. Yung how he felt about Marawi.”

Nagselos ba siya sa passion at panahon ni Goma sa pagpipinta, sa halip na iniukol sa kanya?

Continue reading below ↓

“Ay, no!” bulalas agad-agad ni Ma’am Lucy.

“Habang nagpe-paint siya, andoon lang kami na nagkukuwentuhan.”


Race Day

NOEL FERRER: That’s the thing with Goma, he always does things with passion and he strives to be excellent.

So, Richard Gomez the actor, the athlete, the public servant is now a certified artist. I will make time to catch this exhibit sa Pinto Gallery.

Continue reading below ↓

This is what makes Goma different, while others just become collectors of art, he learned how to create art, and be good at it!

Well, movie-making is an art too, I wonder kung may oras pa si Goma na balikan ang original passion ni Goma na ito!


Continue reading below ↓

Soleil Couchant

GORGY RULA: Di ba, Sir Jerry, may mga bumili na agad ng mga paintings ni Mayor Goma?

Curious lang ako kung sino ang bumili ng Yolanda at Epicenter. Kasi kung ako, ayoko ilagay ‘yan sa bahay ko huh! Parang natatakot ako.

Sana bilhin ‘yan ni Tacloban Mayor Cristina Gonzales-Romualdez o kaya ang dating Congressman Martin Romualdez para ilagay niya sa munisipyo nila.

Pero ang tiyak na natutuwa at proud na proud sa magandang achievement na ito ni Mayor Goma ay ang namayapa niyang mentor/manager at tatay-tatayan niyang si Tito Douglas Quijano.

Sana may susunod pang celebrities na magpa-exhibit uli, kagaya nina Cesar Montano, Heart Evangelista, o kaya si Ian Veneracion.

Baka dumaan pala diyan ang isang showbiz mom na mahilig ding bumili ng paintings.

Pero minsan daw dini-display lang muna sa bahay niya kapag may bisita sila, pagkatapos nun ibabalik ng gallery at may dramang hindi raw bagay sa bahay nila.

Continue reading below ↓

Ginagamit lang pang-display kapag may party sa kanila.

Read Next
Read More Stories About
Lucy Torres-Gomez
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results