Marian Rivera, tiyak na ang pagpirma ulit sa GMA Network

Dec 19, 2017

GORGY RULA: Kinumpirma ni Rams David ng Triple A at APT Entertainment na matatapos na ang kontrata ni Marian Rivera-Dantes.

Nakatakda na raw silang mag-renew ng panibagong kontrata sa GMA-7. Tatlong taon daw uli ang pipirmahan ng bida ng Super Ma’am. Baka early next year na raw ang pirmahan.

“We are happy to stay as Kapuso,” pakli ni Rams.

Pero may plano nga si Marian na mabuntis sa susunod na taon, at kinu-consider naman daw ito ng GMA-7.

Sabi pa ni Rams, “GMA naman mabait, e. Sabi nila kung gusto mabuntis sabihin lang, and then the usual, humihinto ang kontrata, tapos babalik na if she’s okay na.

“Pero sabi naman ni Yan, kung ibibigay ng Diyos na magbuntis, okay. Kung hindi, e, di deretso na.

"Kasi kausap ko na si Ms. Lilybeth [Rasonable] may inu-offer na agad sila for next year. Basta maganda.”

Hanggang January 27, 2018 na lang daw ang Super Ma’am, pero puwede pa rin naman daw itong ma-extend hanggang mid of February kung patuloy na maganda ang ratings nito.

Continue reading below ↓


JERRY OLEA: Gandara sa ratings ang fantaserye ni Marian na Super Ma’am.

Wish Ko Lang na makabuo muli sila ng baby ni Daddy Dingdong.

Super ganda ang kumbinasyon nila, di ba?!

Kaya bet kong maging ate na si Baby Zia.

NOEL FERRER: Aside from Super Ma’am, I also know that Tadhana is doing well din. It’s giving Ipaglaban Mo a good fight.

Continue reading below ↓

Yun ang puwedeng i-maintain ni Marian if ever na less strenuous na activity sakaling makabuo sila ng panibagong baby ni Dingdong.

Or a parenting show perhaps? This way, mas positive, good vibes, at advertiser-friendly ito kung sakali for Mrs. Dantes.

Read Next
Read More Stories About
Marian Rivera
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results