Survey: Panukalang same-sex marriage sa Pinas, aprub ba sa celebs?

Dec 19, 2017

JERRY OLEA: OK kay Pangulong Duterte ang same-sex marriage. Ang Simbahang Katoliko, humirit ng konsultasyon.

Nag-PM (private message sa Facebook) kami sa ilang kaibigan kung ano ang hanash nila sa usaping ito. Narito ang kanilang mga sagot:

Mr. Fu (radio host): “I-push na 'yan! hayaan nating mamayani ang pagmamahalan sa bansa at sa buong universe!!! Just in case maaprubahan, wait natin sino unang mag avail! mag-avail?! true love wins!”

bait-baitan pero may bahid shot. may bahid?! #starbucks #ortigas #push #mayganon

A post shared by Mr. FU (@mrfu_mayganon) on



Rocky Gathercole (fashion designer): “When it comes to my gay life, I don’t mix it with me being Christian, that is why I don’t condemn nor agree about same sex marriage. So whatever people think is right, so be it.”


Continue reading below ↓

Jeffrey Gonzales (show producer/director): “Para sa akin, huwag na lang po. Kahit papaano po kasi, may takot pa rin ako sa Diyos.

“Pwede naman po tayo maging masaya lahat sa mga ka-partner natin kahit walang kasal na tinatawag.

“Dapat lang na maging matibay pundasyon ng relasyon at mas maparamdam sa isa’t isa ang Tunay na Pagmamahal para kahit walang KASAL, magiging pangmatagalan ang Samahan.”

Arnell Ignacio (TV host/comedian): “Mabuti para dun sa tunay na seryoso na magsama habang buhay. May option na.

“Ngayon, kung nakapaloob diyan mga condition sa ‘usual’ na kasal na tulad ng 1. conjugal property, 2. Puede ka nang kasuhan kapag nangaliwa, 3. Custody ng bata kung may ampon man , 4. You need to go through legal means sa kaso ngayon, annulment habang wala pang divorce, kung ayaw niyo na sa isa’t isa.

“So, sa seryoso talaga, mabuti may option na. Pero dun sa trip lang eh magkaseremonyas ng kasal eh pag-isipang mabuti.”

Continue reading below ↓

Shalala (comedian/radio host): “Tagal nang pinu-push ‘yan ng mga kafatid natin, di naman sa simbahan gagawin yung kasal.

“Kaya gow na ‘yan! Kasi, aprub na ng ating mahal na Presidenteng Duterte.

“Maraming mag-e-emote, huwag na lang pansinin. Hindi naman sila ang gagastos.

“Um-attend na lang sila at manahimik at makikain.

Continue reading below ↓

“Maging masaya, maging malaya, at palakpakan na lang natin ang dalawang taong nagmamahalan! Woooohhhh!”

Emotera Lang sa #anglatest taping!

A post shared by Shalala Reyes (@shalala0121) on

Keanna Duterte Reeves (sexy star): “Same sex marriage? Naku!!! Kailangan, isang matinding debate tayo diyan! I love gays kaya marami tayong kwento diyan at kaaway!!! hahahahahaha”

Nangako ang bonggaderang hitad na magpo-post ng video sa isyu 101 na ito. Nasaan na, ate?!

Joed Serrano (concert producer): “Hey, I think that would be ok sa mga tulad natin para may equality at patunay na walang discrimination.

Continue reading below ↓

“But am also ok na hindi coz papel lang naman ‘yan, eh. Dami nga din naghihiwalay, so dapat, pati annulment, isagawa.

“Mas matagal pa nga ang relasyon ko kesa sa normal na mag-asawa. Alam ko din naman na babae at lalaki lang ang binabasbasan sa simbahan, so I don’t mind matuloy man or hindi but DAGDAG HAPPINESS ‘YAN SA 3RD SEX"

NOEL FERRER: At least, after high-profile same-sex couples who were wed abroad, like sina Direks Jun Lana and Perci Intalan or ace designer Francis Libiran and his partner, people can look forward to legalizing their union here sakaling maapruban ito sa ating bansa.

Let’s see how serious how President Digong’s administration is in pushing for this.

Tuloy, maganda ring malaman na kung sakaling mangyari ito, magpapakasal kaya ulit sina Aiza Seguerra at Liza Diño na nagkaroon ng ritual na pag-iisang dibdib dito sa bansa, pero hindi legal na marriage per se.

Continue reading below ↓

Si Tito Boy Abunda kaya at si Bong Quintana, will they consider this too? Or kasal o walang kasal, at least alam natin na may mga ganitong relasyon na nagtatagal.

GORGY RULA: Marami pang dapat ayusin ng mga mambabatas natin. May impeachment pa ni Justice Sereno silang hinaharap.

Kahit ang Pangulong Duterte ay urong-sulong sa isyung 'yan. Kaya tingin ng karamihan, malabo pa 'yan!

Read Next
Read More Stories About
same-sex marriage, PEP Alerts
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results