Young actress, nakipaghalikan sa pogilicious tisoy sa escalator ng mall

Dec 20, 2017

NOEL FERRER: Very convenient ang evening hanggang midnight shopping habang nagpapahupa ng traffic sa Kamaynilaan.

Kagabi, nagulat na lang ang mga kasamahan ko nang makita nila ang isang young starlet na nakikipaghalikan sa isang tisoy, na parang boyfriend niya, sa escalator ng isang mall.

Oh well, hindi na talaga puwedeng magpa-tweetums itong starlet na ito na matinik sa guys sa kabila ng liit niya, kaya napagkakamalan pa rin siyang bata.

Parang bata, pero may muwang na siya talaga!!!

JERRY OLEA: May mga pa-bikini na ang matinik na young actress, pero ang eklay niya ay Virginia Purificacion pa ang kanyang alindog.

Na-link si young actress sa isang young actor na gaya niya ay vertically challenged, pero kumpirmadong HUNG-sarap-sarap ang hidden lollipop.

Scandalicious ang mga sitsit noon kaugnay sa young actress at sa friend niyang may-edad na personalidad.

Bida-bidahan si young actress sa ilang TV shows, pero hindi siya ganap na pinupusuan ng televiewers.

Continue reading below ↓

GORGY RULA: Wagi pa rin talaga ang ganda ng mga young actresses natin. Sikat man o starletic beauty.

Naalala ko tuloy yung kuwento ng isang kaibigan na dumalo sa isang musical play ng Reach International School, na ginanap sa RCBC Theater nung nakaraang December 10 ng hapon.

Kuwento sa akin, dumating daw doon itong si young actress na bida sa isang entry ng MMFF. Kasama raw nito ang isang guwapong guy na balbas-sarado pero mukhang disente.

Kasama raw nila ang pamilya nung guy na mukhang sosyalera. Ang tingin daw ng ating friend, pamangkin nung guy ang isang batang magpi-perform dun.

Inalalayan pa raw ni young actress yung isang old lady na kasama nung mukhang disenteng guy.

Parang close daw kay aktres itong si old lady na umupo pa sa tabi niya. Kaya napagitnaan daw ito nung disenteng guy at nung sosyalerang old lady.

Ang name ni young actress ay katunog ng school na may event dun sa RCBC. Parang boto raw yung buong family kay young actress.

Continue reading below ↓

GORGY RULA: Yung sinabi mo naman, Sir Noel, na young starlet na nakita n'yo sa isang mall kagabi, nag-text na ako sa mommy nya na ma-PR sa mga movie press.

Pero una muna, ayoko naman siyang tawaging young starlet. Ang dami namang shows na nakapagbida siya. Young star naman!

Sumagot na nga ang mommy nung young star na nakita n'yo kagabi.

Sabi niya sa akin, kaibigan lang daw yun ng anak niya. Kasama nga raw siya run at ang isa pa niyang anak.

Tinanong pa nga niya ako kung guwapo raw ba yung mestizong guy.

Pero wala pa raw boyfriend ang anak niya.

"Gusto ko na nga magka-BF 'yan, eh," bahagi ng text niya sa akin.

Heto na nga! Katatawag lang ni young star sa akin, sabi niya sa akin, meron nga raw tingin nang tingin sa kanila dun sa isang Italian resto na kinainan nila.

Hindi naman daw sila naghahalikan, sabi niya.

Continue reading below ↓

"Siguro po baka nakita niya na may binubulong sa akin. Pero hindi po humahalik.

"Kung gusto man namin maghalikan, hindi po dun sa maraming tao," sabi nya sa akin.

Bago natapos ang aming pag-uusap, inamin din niyang nanliligaw daw sa kanya yung guy, at ang sweet daw nito sa kanya.

"Hindi pa po kami. Pero close po kami," sabi pa niya sa akin.

Sir Noel, invite daw po niya tayo ni Sir Jerry mag-dinner minsan. Merry Christmas daw po sa inyo.

JERRY OLEA: Bait-baitan si young actress/star at ang kanyang mudrabels, mula noon hanggang ngayon.

Kaya bet kong makipag-dinner sa kanila, Tito Gorgeous.

Tungkol kay Young Actress #2 na bida sa isang MMFF 2017 official entry, masaya ako kung richie-rich & decent ang bagong boylet sa kanyang puso.

Ayoko nang makabalita na pag nagkalabuan sila ay sangkot ang pera-pera!

NOEL FERRER: “Please don’t mess with my husband,” ang sabi RAW ng legal na asawa ng inililink sa actress.

Continue reading below ↓

Parang “keep off the grass” lang.

Mukhang ganun nga ang nangyari after their environmental movie.

Read Next
Read More Stories About
blind item
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results