Max Collins at Pancho Magno, hindi pa nagsasama kahit kasal na

Dec 22, 2017

GORGY RULA: Hindi pa pala nagsasama bilang mag-asawa sina Max Collins at Pancho Magno pagkatapos nilang magpakasal nung December 11.

Sabi ni Max, hindi pa sila nakapag-ayos sa bahay na titirhan nila dahil balik work na sila agad after their Christian wedding sa Marriot Hotel.

Sa ngayon ay nakatira pa rin si Pancho sa mommy niya at si Max ay sa bahay niya kasama ang kanyang brother.

Baka bukas, December 23, wala nang taping si Pancho sa Haplos, doon pa lang daw siya magdadala ng mga gamit nya sa bahay ni Max.

Doon daw muna sila magsasama habang nag-iipon pa sila ng bahay na matitirhan nila.

Kaya sabi ni Max, wala pa sila sa adjustment period dahil hindi pa sila nagsasama as husband and wife.


Continue reading below ↓

JERRY OLEA: Nakakaaliw! Ang iba, live in na at wala pang balak pakasal. Tapos, sina Max at Pancho, kasal na ay hindi pa nagsasama?!

Bitin ang honeymoon nila, kung gano’n?!

“Sabel, this must be love!”

NOEL FERRER: Parang Christmas tradition lang na Panunuluyan, parang looking for an inn pa rin sila —ang maganda niyan, maraming pinto at bahay na nagbubukas kina Max at Pancho.

Maligayang Pasko! Sana’y biyayaan na sila agad ng Niño.

Read Next
Read More Stories About
Max Collins Pancho Magno
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results