Mark Anthony Fernandez, nakalaya na!

Dec 23, 2017

GORGY RULA: Nakumpirmang nakalabas na ng kulungan sa Angeles City Jail kagabi, December 22, ang aktor na si Mark Anthony Fernandez.

Ayon sa source ng PEP Alerts, na dismiss ang kasong transportation of illegal drugs, at ang misdemeanor na lang ang naiwan.

Ayaw lang munang magsalita ni Mark Anthony sa ngayon dahil gusto muna niyang magpahinga at makasama ang kanyang pamilya ngayong Pasko.

Pati ang pamilya ng aktor ay ayaw rin munang magsalita sa ngayon. Pero ito na raw ang pinakamasayang Pasko ng buong pamilya.


Continue reading below ↓

NOEL FERRER: I have always maintained that Christmas should bring families together kaya magandang balita yung pagpapalabas kay Mark Anthony, pati na rin kay Bong Revilla, para makasama nila ang kanilang mga pamilya ngayong Kapaskuhan.

JERRY OLEA: Masaya ang Pambansang Ama (taguri kay Joey Marquez) sa paglaya ng dati niyang stepson.

“Alam mo, sa tingin ko, dahil sa prayers iyan at saka sa mga bagay na... ang dami sigurong nananalangin na sana, ‘wag matuloy kung ano man yung ibinibintang sa kanya,” sambit ni Joey nang mainterbyu namin sa Muntinlupa Sports Center, bago magsimula ang MMFF 2017 Parade of Stars.

“Isa ako sa pinakamasaya sa nangyari ngayon.

“In fact, kanina ko lang nalaman. Kaya medyo... sabi ko nga, eh... nakausap ko siya, sabi niya, ‘Tito Joey, blowout mo ako, ha?’

“Sige! Ha! Ha! Ha! Ha! Kung saan mo gusto?”

Read Next
Read More Stories About
Mark Anthony Fernandez
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results