Raymart, wish matuloy ang annulment case nila ni Claudine sa 2018

Dec 23, 2017

JERRY OLEA: Maayos ang usapan ng estranged couple na sina Raymart Santiago at Claudine Barretto kaugnay sa kanilang mga anak ngayong Christmas season.

“OK naman, kasama ko last week,” sambit ni Raymart nang makausap namin sa Muntinlupa Sports Center, bago simulan ang MMFF 2017 Parade of Stars ngayong Sabado, December 23.

“Nag-mall kami. So far, OK naman kami ng mga bata.

“Plano is to celebrate yung eve.... 24, dinner... and 24, salubong sa mommy niya. Parang ganun.”

OK ba sila ni Mommy Inday Barretto (mommy ni Claudine)?

“Nagkita kami dati. OK naman.”

Kumusta ang mga bata? May mga pinabili ba sa kanya sa mall?

“Si Santino, hindi mahilig sa damit. Si Sab, mahilig. Sa toys naman mahilig si Santino.

“So, ayun ang Xmas gift ko sa kanila. Bumili ako ng scooter para sa kanila,” sambit pa ni Raymart, na kasama sa horror movie na Haunted Forest.

NOEL FERRER: Bilang tatay, tutok talaga si Raymart sa kanyang mga anak. Kitang-kita ko yun, at kung paano ang solid na pamilya niya ay nakasuporta rin kina Santino at Sabina.

Continue reading below ↓

Move on na dapat sila ni Claudine sa kani-kanilang buhay.

The good thing with Raymart is that he is very productive this year, ha.

Going strong ang kanyang My Korean Jagiya at mahusay siya sa MMFF entry ng Regal na Haunted Forest.


GORGY RULA: Ang wish ni Raymart sa 2018 ay matuloy na ang annulment case nila ni Claudine.

Continue reading below ↓

Ang sabi raw kasi ni Claudine ay siya ang magpa-file sa korte, at yun ang hinihintay ng Kapuso actor.

"Dun na rin naman ang tuloy nun, eh," sabi ni Raymart.

Hindi naman daw mapuputol ang ugnayan nila, pero para sa mga bata na lang.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results