Not-so-young-actor, pinaghintay ang mas beteranong co-stars

Dec 25, 2017

JERRY OLEA: Echoserong frog pala ang not-so-young actor na magaling pa namang artista.
Attitude!

Kahit nai-commit na siya ng kanyang manager para sa promo, ayaw niyang gawin kung natapat na Sunday.

Wah siya kebs sa showbiz adage na, “The show must go on!”

Sa isang recent showbiz event na dinaluhan ng stars and starlets, late ang hitod.

Present na sa event ang mga bidang artista, waley pa siya.

Ang eklay niya, malapit na siya sa assembly place.

Nainip ang bidang actor-producer at ipinatanong kung nasaan na ito.

Eklay ng hitod, “I’ll be there in 15 minutes!”

Juice Colored!

Isang oras na ang lumipas, waley pa rin ang anino niya!

GORGY RULA: Mukhang nagbago na nga itong aktor na magaling naman talagang umarte, pero di naman talaga kaguwapuhan.

Sa totoo lang, parang miscast nga sya sa MMFF entry na kabilang sya.

Di believable ang role na ginampanan niya bilang anak ng debonaire na fadir at napakagandang madir. Pero okay ang acting niya.

Continue reading below ↓

Dati kasi, kahit saan mo siya nasasalubong, ngumingiti at bumabati siya.

Dedma walking lang siya talaga sa ilang pagkakataong nasasalubong namin sa mga showbiz events at kahit sa presscon ng pelikula niya.

Dedma rin ako!

Tanggap ko nang we're not meant to be friends!

NOEL FERRER: As in hindi siya nakaabot sa parada? Baka naman naipit siya sa traffic rerouting.

This is surprising kasi galing itong aktor na ito sa teatro at dapat ay disiplinado siya.

Bakit kaya nag-no-show ang aktor na ito?

Matanong nga ang manager nito na direktor din.

JERRY OLEA: Dumating siya.... The Late Actor ang peg!

Wala naman siyang pinagkakaabalahang TV show, pero siya pa itong nagpapahintay sa co-stars na nirerespeto sa industriya.

Read Next
Read More Stories About
blind item
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results