Gandarang aktres, ayaw magsuot ng mumurahing damit kahit anak-pawis ang role

Dec 26, 2017

JERRY OLEA: Abot sa dulo ng universe ang pagkasuklam ng isang bading na taga-Wardrobe Department sa isang gandarang aktres.

Anak-pawis ang papel ng gandarang aktres sa episode ng isang drama anthology, kaya ang damit na ipinasusuot dito ni Wardrobe Gay, e, pangmahi (as in “pangmahirap”).

Ayaw iyong isuot ng aktres at ang hanash nito, “Baka binili mo lang iyan sa Divi (as in “Divisoria”)! Sa ukay-ukay!”

Ang isinuot ni Aktres ay iyong dala niyang damit na binili sa London.

Nang makita ni Direk ang suot ng aktres, sinabihan ito na hindi iyon pwede dahil pangmaya (as in “pangmayaman”) ang dating nito.

Sabi ni Aktres, “Sabi ko nga kay Wardrobe, mahirap ang peg ng character ko rito. Pero pinilit niya akong isuot ito!”

Ipinatawag ni Direk si Wardrobe Gay.

Napamulagat ang bading sa bersyon ni Aktres, “Ha?! Babaliktarin mo ako?! Sabi mo nga, ayaw mo itong isuot dahil galing ito sa ukay-ukay! Huwag mo akong baligtarin!”

Continue reading below ↓

Nakairap lang si Aktres.

Paliwanag pa ni Bading, “Direk, imported sa London Bridge ‘yang suot niya! Hindi ko afford bumili ng ganyan! Hindi iyan kasya sa budget ko!

“Eto ang resibo ng mga pinamili ko, Direk! Itemized ‘yan!”

Para makapag-shoot na, isinuot na ni Aktres ang mumurahing damit.

Sa ukay-ukay nga ba iyon binili ni Wardrobe Gay?

Tugon ni Bading, “Hindi po. Sa SM ko binili iyan. Sale!”

NOEL FERRER: Nagdadalang-tao itong star na ito—hindi kaya part lang ito ng mood swings na dinadaanan ng mga nagdadalantao?

Actually, nakakatawa at kwela itong babaeng ito kung huli mo ang ugali niya; Christmas naman, kaya sana higit na lang na pang-unawa ang ibigay sa kanya ng mga tao.

GORGY RULA: Kahit nung nasa kabilang istasyon pa 'yang aktres na 'yan, may ganun na ring hanash ang ilang staff sa kanya.

Pero sabi naman ng ilan, malaki na raw ang ipinagbago niya ngayon.

Continue reading below ↓

Baka naman nagkaroon lang ng di pagkakaunawaan sa kanila ng taga-wardrobe? Nakita ko naman kasi kung gaano 'yan kabait sa mga kaibigan niya.

Kapag makarating 'yan kay Mrs. Pauleen Sotto, tiyak na ipagtatanggol niya 'yan. Close sila ni Pauleen and other Dabarkads, eh.

Read Next
Read More Stories About
blind item
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results