MMFF 2017: Aling mga pelikula ang nangunguna at alin ang nangungulelat?

Dec 26, 2017

NOEL FERRER: Heto po ang official statement ng MMFF Execom at Playdate & Monitoring Committee:

"The MMFF Execom, along with the producers of the festival entries plus the theater representatives, have agreed not to release any actual figures and rankings so as not to create a bandwagon effect on the viewers.

"We encourage everyone to support ALL the 8 entries because we are as strong as our weakest film.

"We are very happy to say that a large part of the Filipino audiences have gone back to the theaters again this Christmas and we have exceeded even the record 1st day box office gross of MMFF 2015.

"We are looking forward to more and more people watching ALL the MMFF entries until January 7.

"MMFF—Magkaisang Mapaunlad ang Filipino Films!!!”

GORGY RULA: Kaya hihintayin pa matapos ang festival sa January 7 para malaman kung alin ang nangunguna sa box office at alin ang nangulelat.

Continue reading below ↓

Pero base sa mga napagtanungan namin sa mga sinehan kahapon, December 25, nangunguna raw ang Gandarrapido: The Revenger Squad.

Sinusundan ito ng Ang Panday at pumangatlo raw ang Meant To Beh.

Iyon naman talaga ang hula ng karamihan.

Pero sana pagkatapos ng awards night bukas, makabawi ang mga pelikulang nabigyan ng Grade A ng CEB. Dahil inaasahan namang hahakot ito ng awards.


Continue reading below ↓

JERRY OLEA: Sold out ang 2:00 PM & 4:20 PM screenings ng Gandarrapido sa Ali Mall ngayong Martes, December 26.

Apat lang ang sinehan doon. Walang Ang Panday at Meant To Beh sa Ali Mall.

Nanood kami ng 2:00 PM screening ng Siargao sa nasabing mall. More or less eh 1/4 lang ang naokupang upuan.

“Boring ang movie,” hihikab-hikab na sambit ng kasama naming si Joshue Mariñas.

Naglakad kami pa-Gateway para doon naman manood.

Kaso, pila-pila ang moviegoers. Ang daming utaw!

Teka! Totoo ba na may entries na napu-pull out sa ilang sinehan, kahit ang usapan ay walang mapu-pull out sa first three days?

NOEL FERRER: Gusto sana ng pamunuan ng MMFF na ma-maintain ang dami ng mga taong nanonood ng sine.

Triple ng foot traffic sa mga sinehan kaysa noong isang taon.

At ito talaga ang highest-grossing first day—even surpassing the record noong 2015.

Kahit na hindi totally accurate ang lumalabas na unofficial ranking, very encouraging naman ang resulta at committed ang lahat na mapataas pa ang kita, at in fairness, ang mapanatili pa sa mga sinehan ang ibang mga pelikula.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: May na-pull out na iilang pelikulang na nag-underperform during the first day, at ang mga 'yan ay nasa “special cases,” na lahat ay kinonsulta naman at may consent sa mga producers ng mga pelikula.

Ang solusyon dito, tangkilikin ang mga pelikulang gustong panatilihin sa sinehan ngayon na.

Tama nga ang ipinost ni Paulo Avelino, sana raw yung nagsasabing suportahan ang Larawan ay i-post ang actual ticket na binili sa takilya para lalo pang manatili ito sa mga sinehan.

Wag nang ipagpabukas pa. Panoorin na ang inyong paboritong pelikula ngayon na, kaysa mag-ingay sa social media.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results