Gay comedian, pinagtirik ng kandilang itim ang sexy actress

Dec 29, 2017

JERRY OLEA: Hindi na bibili ng paputok sa Bagong Taon ang gay comedian na may pusong ligaw.

After all, nagpuputok pa rin ang butse ni Gay Comedian kapag nababanggit ang pangalan ng isang sexy actress.

“Ipinagtirik ko siya ng tatlong kandilang itim!” bunghalit ni Bading, na nananalig sa karmalicious spirit.

Bakit ganoon na lang ang galit ni Bading?

Kuwento niya, “Sa premiere night ng movie ni (pangalan ng sexy actress), nag-follow up ako kung nasaan na siya.

“Aba, pagdating ng diva sa backstage, tinabig ako at tinalakan sa harap ng ibang mga artista!

“Walang urbanidad!

“Napahiya ako!

“Umirap-irap pa ang maldita!

“Kung hindi ako naawat eh pinisak ko sana ang ilong niya!”

NOEL FERRER: Hindi kaya 'yan ang dahilan kung bakit hindi kumita ang pelikulang pinagtrabahuhan nila?

Urbanidad meets urbanidad, look who’s talking, really?!!!

GORGY RULA: Nangangamba lang ako baka totohanin ni Gay Comedian ang banta niyang bigwasan si Sexy Actress pag magkita sila.

Continue reading below ↓

Kung mangyari yun, hahayaan kayang mangyari yun ng asawa ni Sexy Actress? Di ba, magaling daw sa martial arts yun?

Baka ang ending, si Gay Comedian at ang dyowa ni Sexy Actress ang magkasapakan? Ayoko namang umabot pa sa ganun.

Sana palagpasin na lang ni Gay Comedian yun. Kalimutan na lang at tiyak magsasama 'yan sila uli sa mga future projects nila.

Read Next
Read More Stories About
blind item
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results