Dapat bang mauna sa billing si JC De Vera kay Joross Gamboa?

Dec 30, 2017

NOEL FERRER: I have never been one to complain about billing.

Naniniwala ako na makikita't makikita naman ang husay ng isang artista kapag napanood na ang finished product.

Sa horror film ng Regal Films noon, inuna ang pangalan ni Nathalie Hart kay Joross Gamboa na ultimo ang direktor na si Joey Reyes ay naloka.

Sa isa pang pelikula sa Regal, inuna si Carla Abellana kay Iza Calzado, pero ngumiti lang si Izadora. At nang maglabasan ang review ng pelikula ay vindicated din naman siya.

Oo nga't mababait at malawak ang isip ng ating mga talents, ngunit nagulat ako na may mag-send sa akin ng bagong poster ng Ang Dalawang Mrs. Reyes, at nag-comment na bakit naman ganun ang billing ni Joross.

Kaya isang honest question ang pinost ko sa aking social media at sari-saring reaksiyon ang lumabas.

Si Joross ang asawa ni Judy Ann Santos sa pelikulang Ang Dalawang Mrs. Reyes, na ipapalabas na sa January 17.

Continue reading below ↓

Anuman ang sabihin, ang billing ay pagpapakita rin ng pagpapahalaga ng isang producer sa kanilang talent.

Nang tanungin si Joross kahapon sa thanksgiving presscon ng Deadma Walking, isang biro lang ang pinakawalan nito at sinabing, "Baka mas pangabog ang billing kapag niligay nila—Miss Joross Gamboa. Kahit wala nang box. Hahaha!"

JERRY OLEA: Ang mga punto sa isyung "billingitis"...Tumpak ganern bang mauna ang pangalan ni JC de Vera kay Joross Gamboa?

Makatarungan ba ang size at puwesto ng namesung nina JC and Joross kumpara kina Judy Ann Santos at Angelica Panganiban?

Nag-Viber ako kamakalawa, 6:16 p.m., kay Sir Mico del Rosario ng Star Cinema, "Final na po ang poster ng 2 MRS REYES? Hindi na mababago kahit magreklamo ang kampo ni Joross?"

SEEN mode lang siya. Wah answer.

GORGY RULA: Si Manay Lolit Solis ang dapat na magsalita tungkol sa isyu ng billing.

Malaking bagay sa kanya yun, na sa totoo lang, kapag may offer sa mga alaga niya, ang billing ang una niyang tinatanong bago ang talent fee at ang role.

Continue reading below ↓

Malaking bagay daw sa artista na mapuwesto nang tama ang pangalan.

Kung si JC de Vera ang kahanay ni Joross sa billing, dapat talagang umalma rito ang manager niyang si Sir Noel Ferrer.

Sana nagawan ng paraan ng Star Cinema, dahil di naman yata magandang ang isyu ng billing ang unang pag-usapan sa pagsisimula ng publicity ng Ang Dalawang Mrs. Reyes.

Samantala, may special participation si Gladys Reyes sa pelikulang iyon, at tinanggap niya kahit di napag-usapan ang TF dahil BFF naman nya si Judy Ann.

Pero ang wish ni Manay Lolit, huwag naman daw sanang apihin sa billing ang pangalan ni Ms. Reyes.

NOEL FERRER: Nakausap ko kagabi si Perci Intalan, co-producer ng pelikula representing Idea First.

Nakausap niya si Atty. Joji Alonzo (Quantum) at Mico del Rosario (Star Cinema), at magkakaroon daw ng ibang version pa ng poster at aayusin daw na nila ang billing ni Joross sa bagong version.

Continue reading below ↓

Aabangan natin yun! Happy New Year!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results