PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Friendship nina Marvin Agustin at Markki Stroem, dapat bang pagdudahan?

Published Jan 5, 2018

NOEL FERRER: Sabi ni Marvin Agustin, “Never be judgmental. It won’t help any situation, and won’t do you any good. In fact, nakakapangit.”

This might be Marvin’s reaction to all the pictures that came out with him and his kids and some friends sa Niseko, Japan, including yung pilit na iniuugnay sa kanya na si Markki Stroem.

For me, I find nothing wrong at all there. They are friends and I know their
common friend na si Jane Walker at, last year, kasama rin niya ang mag-anak ni Marvin sa bakasyon.

Tropa talaga sila, and it just happened na kasama nga ngayon si Markki na naging open din naman sa pagpu-post ng kanilang group picture.

Wala naman silang itinatago. At wala silang inaagrabyadong tao.

So there should be no space for being judgmental. Good vibes na lang!!!

JERRY OLEA: Inggit lang sila!

Masaya si Marvin. Masama ba kung kasama ang good friend niyang si Markki sa kanilang family outing?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Huwag ninyong basta-basta husgahan ang lalim ng kanilang pagkakaibigan!

Mabait si Marvin. Masigasig sa buhay.

Kaya kayong mga inggit sa kanya... magsumikap kayo!!!

GORGY RULA: Sa totoo lang naman! Ano ba?! May pinanggalingan naman kung bakit sila natsitsismis, ah!

Wala naman sana malisya 'yan kung nung mga unang out-of-the-country trips nila ay nakikita nang magkakasama na sila.

Bakit hiwa-hiwalay? May kanya-kanya silang post na sa iisang location lang naman.

Magkaibigan naman sila, di ba? Wala silang pictures na magkasama?

Ngayon lang naging open dahil nasagot na ni Marvin ang isyu nilang dalawa ni Markki nang naungkat ito noon sa presscon ng Kambal Karibal.

Pinagtsitsismisan lang naman sila na walang halong panghuhusga.

Dahil kahit saan man sila magpunta, at kung saan man aabot ang isyung 'yan, masaya silang dalawa dahil napapanindigan nila ang kanilang friendship.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
Marvin Agustin, Markki Stroem
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results