PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Masculados member, inaresto matapos mahulihan ng ilegal na droga

Published Jan 5, 2018

GORGY RULA: At press time, naka-detain pa rin for inquest ang miyembro ng Masculados na si Robin Robel y Villamayor, na mas kilalang Robin Robel, ang isa sa original members ng naturang all-male group.

Nahulihan siya ng dalawang sachets ng suspected shabu na may timbang na humigit-kumulang na 2.4 grams.

Ayon sa kuwento ng mga pulis ng Taguig Police Headquarters, bandang 1:30 ng madaling-araw ng January 5, Biyernes, habang nagku-conduct ang PCP-2 Maharlika Personnel ng SACLEO o Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement at Oplan Sita sa MLQ Avenue, Brgy. New Lower Bicutan, Taguig City, nahuli nila si Robin Robel ng 79C K6th St., Kamuning, Quezon City.

Kasama niyang nahuli ang nagngangalang Rodel Isaac y Buringot ng 74 Waling-Waling St., Payatas, Quezon City.

Dagdag na kuwento ng mga pulis, napansin daw nila ang kotseng nakahinto at naka-blinker.

May lumapit daw na taong nakahubad at nakita nilang may inabot sa taong nasa loob ng kotse, na si Robin pala kasama itong si Rodel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinita sila ng mga pulis at pinababa.

Nagpakilala raw si Robin na miyembro siya ng Masculados, pero hindi ito umubra sa mga kapulisan.

Doon daw nila na-recover ang dalawang sachet na naglalaman ng suspected shabu.

Sinubukan ng PEP Alerts na kontakin ang manager ng Masculados na si Direk Maryo J. de los Reyes, pero hindi pa ito sumasagot ng aming tawag at text.

JERRY OLEA: Humigit-kumulang 27 years na naming kaibigan si Direk Maryo J. de los Reyes, manager ng Masculados, at noon pa namin alam na ayaw na ayaw niyang magdroga ang kanyang mga alaga.

Anak ang turing niya sa kanyang mga talent, at sino bang matinong magulang ang gugustuhing malulong sa droga ang kanyang supling?

Nakakalungkot ang balitang ito, kaya nawa’y magkalinawan sa usaping ito.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER: Dapat ganyan talaga ang pagpapataw ng batas.

Pantay sa lahat, hindi nakabatay sa estado sa lipunan o sa kahit na anong kabuhayan o trabaho.

Kung may pagkakamali man, dumaan sa tamang proseso at panagutin ang sinuman.

Sana lang mapangalagaan ang personal na kapakanan.

GORGY RULA: Nakatanggap ng tawag ang PEP Alerts mula kay direk Maryo J. de los Reyes at nagulat siya sa naturang balita.

Wala raw nagparating sa kanya ng nangyari kay Robin.

Matagal-tagal na raw silang walang komunikasyon. Kaya aalamin pa raw niya kung ano ang totoong nangyari.

Kapag wala raw kasing schedule ang Masculados, nagpa-file daw ng leave si Robin para mag-Uber driver.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results