PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Derrick Monasterio, nakasabay kaya sa award-winning actors na kasama niya sa pelikula?

Published Jan 9, 2018

JERRY OLEA: Premyadong aktres sina Barbie Forteza, Lotlot de Leon, at Ana Capri.

Weakest link ba sa BG film nilang Almost A Love Story ang male co-star na si Derrick Monasterio?

“Sa totoo lang, happy ako kay Derrick. Kasi, nakikinig siya,” sabi ng premyadong si Louie Ignacio, direktor ng nasabing pelikula, sa Marco Polo Hotel-Ortigas, kagabi, January 8.

“Walang yabang sa katawan. Kung ano ang instruction na ibinibigay ko, sinusunod niya.

“Kasi, galing ka sa soap opera, o galing ka sa mga mainstream, ang tendency ng acting mo, malaki, eh, di ba?

“Ang ginagawa ko naman, ‘Bawasan mo lang para maging normal.’ Na ang galing! Ang ganda ng reaction!”

Nakasabay ba si Derrick sa kalibre ng akting ng female co-stars?

“Sila naman ni Barbie ay close. Love team sila before,” tugon ni Direk Louie.

“Nasagap ko ang tsismis, nanligaw nga si Derrick kay Barbie noon...

“Yung bata, walang ano... like, pinatalon ko siya sa ano... Winter time, pinatalon ko sa tubig.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kung iba ‘yan, aarte na ‘yan!”

Nasa teaser ng movie ang paghuhubad ni Derrick kesehodang ginaw na ginaw na ito.

Kinunan ang pelikula sa Italy.

Casually taking a dip in the ice-cold water.

A post shared by Derrick Monasterio (@derrickmonasterio) on

“Eh, sayang naman ang Bench Body built!” bulalas ni Direk Louie.

Sabi ng line producer na si Dennis Evangelista, may kukunan pang eksena na hubad-hubad ang young actor.

“Yes!” pagngiti ni Direk Louie.

“Merong isang eksena doon na nakatuwalya siya, nakatapis ng towel... na ikakagulat ni Barbie!”

GORGY RULA: Wala namang arte si Derrick sa hubaran, eh.

Sabi niya, kung mabibigyan siya ng magandang project na kailangan maghubad, gagawin daw niya.

Kaya nga iniiwasan niyang tumaba, dahil kailangan daw nyang ma-maintain ang magandang katawan.

JERRY OLEA: Nagpapaka-artist din si Derrick, huh?!

Gumawa siya ng bersiyon ng painting na Starry, Starry Night ni Van Gogh.

“Parang gawa ng talented na elementary ang hitsura ng painting,” nakangiting lahad ng binata.

“I posted it on Instagram. Sinubukan kong ibenta. Akala nila, hindi ako seryoso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“May bumili! Hindi ko ine-expect!”

First painting niya iyon...

“Gusto ko lang i-try,” pakli ng young actor.

“These past few days, stressed po ako. Kaya naghanap ako ng tahimik na... try ko lang...”

Saan o kanino siya na-stress?

“Sa buhay... maraming factors!” bulalas pa ni Derrick, na may follow-up TV project with Barbie pagkatapos ng movie nilang Almost A Love Story.

NOEL FERRER: Physicality is one thing, kayang kaya 'yan ni Derrick.

But the greater challenge is makakasabay kaya si Derrick sa acting ni Barbie?

Mas ‘yan yata ang dapat pagsanayan at paghusayan ni Derrick whose acting still leaves much to be desired.

Read Next
Read More Stories About
derrick monasterio
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results