PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mestisang aktres, di sumipot sa last taping day ng teleserye

Published Jan 13, 2018

GORGY RULA: Iba pala dapat ang ending ng katatapos lang na drama series.

Dapat daw ay sa isang malaking event yun na may rampahan ng bidang aktres at ang katunggali niyang si Mestisang Aktres.

‘All is well that ends well’ daw ang drama pagkatapos nilang mag-away sa kabuuan ng kuwento na sinubaybayan ng madlang people.

Pero sa last taping daw nito, tanghali raw ang call time ng bidang aktres, at si Mestisang Aktres na katunggali nito ay alas-siete ng gabi.

Pagdating daw ng alas-siete, waley pa si Mestisang Aktres pero parang deadma lang ang production staff at hindi naman daw siya pina-follow up.

Pagdating ng alas-nuebe ng gabi, waley pa rin ito kaya nag-decide na raw silang ibahin na ang ending.

Umaasa pa rin daw silang darating si Mestisang Aktres, pero palalim na nang palalim ang gabi, walang dumating na Mestisang Aktres.

Kaya ang ending, pinatay na si Mestisang Aktres! May voice-over na lang si Bidang Aktres na tipong inalay na sa kanya ang malaking event na yun, dahil tegi na nga siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mukhang may problema talaga si Mestisang Aktres sa mga katrabaho niya sa seryeng yun, dahil may dialogue pa raw ang isang staff na hindi na talaga makakaulit sa kanila itong si Mestisang Aktres.

JERRY OLEA: Naaksidente ang aktres kamakailan sa abroad.

Kahit kumikirut-kirot ang isang bahagi ng kanyang katawan, sumipot siya sa sunud-sunod na taping ng teleserye nila.

Andoon siya sa mga importanteng eksena para maayos ang daloy ng mga kaganapan.

Waley lang si Mestisang Aktres sa finale scene, pero OK lang iyon.

Mas maganda ang kinalabasan nang mategi ang karakter niya.

Mas may hugot.

Mas may kurot sa puso.

Hindi naligaw ang istorya.

NOEL FERRER : Saan kaya pupulutin ang aktres na ito pagkatapos ng kanyang teleserye?

Nalibot na niya lahat ng estasyon.

Hindi kaya maging digital na ang efforts niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
blind item, mestisang aktres
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results