Jameson Blake, bagong lucky charm ni Mother Lily?

JERRY OLEA: Noong November pa dapat ipapalabas ang pelikulang Mama’s Girl.

Sa kung anumang kadahilanan ay naging pambungad na handog ito ng Regal Entertainment.

Tamang-tama na katatapos pa lang ng teleseryeng Pusong Ligaw, kung saan bida ang love team nina Sofia Andres at Diego Loyzaga.

Tampok din kasi sila sa Mama’s Girl, kasama sina Sylvia Sanchez at Hashtag Jameson Blake.

Walang takot “makipagsabong” ang Regal movie sa Star Cinema movie na Ang Dalawang Mrs. Reyes.

Hello!

Maliit lang ang production budget ng Haunted Forest na entry ng Regal sa MMFF, ‘no?! Malaki ang tinubo nito!

Ganun din ang formula ng Mama’s Girl. Siguradong kikita rin ito. Hindi malulugi si Mother Lily!

Take note na pawang Kapamilya ang mga bida ng dalawang Pinoy movies na magsasalpukan bukas, January 17.

Natawa nga kami kay Mother Lily na hindi niya matandaan ang mga pangalan ng ibang artista sa mga pelikula niya.

Pero kilala niya si Hashtag Jameson na nasa Haunted Forest at Mama’s Girl, huh?!

Si Hashtag Jameson na ba ang bagong lucky charm ng Regal?

GORGY RULA: Bakit wala pang inilabas na feedback ang CEB pagdating sa Mama's Girl?

Maganda naman at napaka-positive ng feedback sa naturang pelikula, pagkatapos ng premiere night kagabi, January 15.

Puring-puri nila si Sylvia na ibang-iba raw ang atake sa role bilang si Mama Mina.

Sabi ni Sylvia, kung ang The Greatest Love ang pinakamalaking achievement nya sa TV, ito naman daw Mama's Girl pagdating sa movie. Kaya thankful siya kay Mother Lily.

Komento ng ilan, malamang na hahakot daw si Sylvia ng Best actress trophy.

Tiyak na raw 'yan sa Star awards. Naging paborito naman yata siya ng PMPC, eh.

JERRY OLEA: Potpot ang palayaw ng karakter ni Diego Loyzaga sa teleseryeng Pusong Ligaw.

Sa pelikulang Mama’s Girl, Abi Potpot ang tawag ni Mama Mina (Sylvia Sanchez) sa kanyang pinakamamahal na anak (Sofia Andres).

Sa premiere ng movie kagabi, kasama ni Sylvia ang real life Potpot niya na si Ria Atayde.

Kasama nina Sofia Andres, Hashtag Jameson, at Alyana Asistio ang kani-kanyang ina.

Hindi namin namataan si Teresa Loyzaga, ang mother ni Diego.

NOEL FERRER: Ang good news ay Graded A din ang Mama’s Girl.

Congratulations sa kaibigan nating Connie Macatuno na masaya kaming nagbabalik-pelikula siya ulit after Rome and Juliet.

Buhay na naman ang mga magagandang pelikulang Pilipino.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN