NOEL FERRER: Sa mga showbiz gatherings ngayon ay lumutang ang dalawang kuwento ng masalimuot na mga relasyon.
Ang una ay tungkol sa isang celebrity stylist na na-link sa high-profile personalities at itinago raw ang pagbubuntis.
Ang balita’y nagpunta siya sa ibang bansa habang siya’y nagdadalang-tao para hindi kumalat ang balita—dahil medyo kumplikado ang kanyang relasyon.
Hindi pa raw kasi ganap na malaya ang ama ng kanyang anak.
Ang balita pa, galit na galit ang asawa sa celebrity stylist na ito at ang sabi’y kaya sila naghiwalay ay dahil nag-enter frame itong si Stylist.
Talagang it’s complicated ang love story nila.
JERRY OLEA: Sadyang masalimuot ang love triangle na ito.
Ang lalaki ay tunay na yayamanin! Mas richie rich kesa sa mga mister ng closest friends ni Stylish Lady.
Hindi siya DOM!
Pogilicious! Yummylicious ang katawang lupa!
At may laman ang utak! Magaling magpatakbo ng negosyo.
Kaya hindi kataka-taka na inibig siya ni Stylish Lady, at nagpalahi pa rito.
Siyempre pa, magngingitngit ang legal wife, lalo pa’t may anak sila.
Hell has no fury like a woman scorned, 'ika nga.
Mas mabagsik pa sa lava ng Bulkang Mayon ang ibubuga ni Legal Wife.
Paano huhupa ang silakbo ni Misis ngayong nakabalandra na sa socmed ang anak ni Stylish Lady?
GORGY RULA: Sa totoo lang, hindi ako gaanong interesado sa love affair nitong si Stylish Female Celeb.
Mas type ko na lang na magtiris ng lisa ng mga doggies ko (may lisa ba ang dogs? Hahaha!) kesa alamin ang nangyayari sa kanya.
Choice naman niya yun kung type niyang maging kabetchina! Buhay niya yun.
Pero sana maingat naman ang mga beshies niya sa kapu-post.
Isa raw kasi sa mga friends niya ang nag-post ng reunion photo nila na bitbit ni Stylish Female Celeb ang baby nito.
Kaya tuloy nagsusumigaw na ‘Uy, IT’s confirmed! May baby na nga siya!’ Sino ang fadir?!