PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Imelda Papin, napaluha nang maaprubahan ang PhilHealth card para sa mga artista

Published Jan 25, 2018

JERRY OLEA: Luhaan si Imelda Papin sa pirmahan ng MOA ng PhilHealth at KAPPT (Kapisanan ng mga Artistang Pilipino sa Pelikula at Telebisyon) nitong Huwebes (Enero 25, 2018) sa Icon Hotel, Timog Avenue, QC.


Bilang presidente ng KAPPT o Actors Guild, napaluha sa labis na kasiyahan si Imelda dahil natupad ang pangarap niyang mabiyayaan ng PhilHealth card ang mga artistang Pinoy bago sumapit ang kanyang kaarawan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukas, January 24, ang ika-62 kaarawan niya, kaya ang saya-saya ng event kung saan pinagsaluhan ng mga bisita ang masasarap na pagkain, kabilang ang dalawang litson.

Noong umupo si Imelda last year bilang KAPPT prexy ay nakipagpirmahan siya ng MOA sa SSS para sa members ng guild.

Ang birthday wish ni Imelda, “Humaba ang buhay ko para marami pa akong matulungan. Huwag magkasakit, though andiyan naman ang PhilHealth.

“Sana rin, maipatayo na ang village para sa mga artistang Pilipino.”

Bago nag-blow si Imelda ng candale ng birthday cake, mistulang nag-karaoke ang guests sa pagkanta ng "Bakit (Kung Liligaya Ka Sa Piling Ng Iba)" at "Isang Linggong Pag-ibig."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

GORGY RULA: Hay naku! Hindi naman sana isang linggo lang 'yan. Noon pa yan ginagawa sa KAPPT at sa MOWELFUND, ano na ba nangyari?

Di ba, ginawa na rin 'yan sa huling summit ng FDCP?

Ayoko na lang i-nega sana, pero hindi sana 'to ningas kugon na wala namang nangyari pagkatapos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER: Ganyan talaga kapag nagbi-birthday, sinusubukan na maging lalong kapaki-pakinabang ang buhay.

Well, hindi ko alam kung ano ang pagkakapareho at pagkakaiba ng mga January 26 celebrators, kasama na diyan ang ating kasama rito sa PEP Alerts Squad na si Sol Gorgonio “Gorgy” Rula na kasabay ng Actors’ Guild President na si Imelda Papin.

Kasabay rin nilang magbi-birthday bukas sina Ervic Vijandre, John Travolta, at ang yumaong Tito Alfie Lorenzo.

I’m sure may kanya-kanyang leadership and lovable traits ang mga ito na characteristic ng mga isinilang ng January 26.

Maligayang bati sa inyong lahat!!!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results