NOEL FERRER: Isang kaibigan ng celebrity stylist ang nagbalita sa ating nagkaayos na diumano ang stylist at ang asawa ng kanyang kinakasama.
Annulled na raw kasi (recently) ang mag-asawa.
Hudyat na kaya ito ng pagpapakasal nitong stylist at nitong muy rico na businessman?
Imbitahin kaya nila ang frenemy nilang ex-IT girl na mali-maling nagpu-post ng incriminating photo?
Abangan ang susunod na kabanata.
JERRY OLEA: Uy! Magandang balita iyan, Tito Noel!
Mabuti kung magiging legal wife na si Stylish Lady, alang-alang sa kanyang anak.
Malay niyo, maging magkakaibigan din sila pagdating ng panahon!
Michelle-Ogie-Regine ang peg ng modern family sa kulturang Pinoy!
GORGY RULA: Masaya 'yan! Pero ewan ko lang kung interesado ang publiko diyan.
Naisulat na nga siya sa ilang tabloids. Hindi nagkainteres ang mga nakabasa.
Bigyan na natin sila ng katahimikan.