PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sey ni Gladys Reyes sa 'karinderya' niya: "Siguro tikim-tikim na lang. Hindi na makakain."

Published Jan 26, 2018

GORGY RULA: Ang pasabog na statement ni Gladys Reyes sa renewal of vows nila ni Christopher Roxas nung nakaraang Martes, January 23: “Sarado na ang karinderya ko!”

Masaya na raw sila sa apat na anak nila ni Christopher, pero hindi pa naman daw siya nagpa-ligate.

Sa panahon ngayon ay praktikal na raw para sa kanila ang apat na anak na sina Cristophe, Aquisha, Grant, at Gavin.

Pero nang muli namin siyang nakausap sa taping ng All Star Videoke Challenge kagabi, January 25, sinabi ni Gladys na pinto lang naman daw ng karinderya niya ang sarado.

Saad ng aktres, “Sabi ko nga, sarado na ang pinto ng karinderya, pero ang bintana bukas pa yata.

“Pero kung sakaling may kakain, siguro tikim-tikim na lang. Hindi na makakain.

"Food tasting na lang, wa' na pa-buffet!

"Say mo, di ba? Eto lang ang karinderyang may buffet, ha!"

Nilinaw rin ni Gladys na hindi renewal of vows ang ginawa nila ni Christopher para sa selebrasyon ng kanilang 25 years of togetherness.

Huwag daw renewal dahil wala namang na-expire.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya ang tawag nila, reaffirmation of vows itong kasalang naganap sa Iglesia ni Cristo locale ng Tagaytay City.


JERRY OLEA: Ang karinderya ni Gladys ay hindi bukas para sa lahat ng gustong kumain.

Exclusive ito sa kanyang dakilang pag-ibig, si Christopher.

Masarap magpa-buffet si Gladys, kaya hindi nauumay ang kanyang nag-iisang kustomer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano ba ang lihim ng karinderya ni Gladys?

Meron ba siyang secret ingredients para manatiling tsalap-tsalap ang kanyang mga ulam?

NOEL FERRER: Ibang klase si Gladys kasi pagkatapos ng reaffirmation ng Mmrriage vows ay sabak agad siya sa trabaho kanina.

Napanood ko siya sa Eat Bulaga! kanina na nagpi-Pinoy Henyo na agad.

Ibig sabihin, active at buhay na buhay na naman ang pangkabuhayan showcase ng karinderya!

Read Next
Read More Stories About
gladys reyes, christopher roxas
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results