Roxanne Barcelo at Will Devaughn, still friends "without benefits" kahit break na

Feb 1, 2018

JERRY OLEA: Hiwalay na pala sina Roxanne Barcelo at Will Devaugh, matapos ang apat na taon na chorvahan.

“As much as possible, gusto ko naman kasi, I’m in showbiz for the work itself,” kaswal na sambit ng dalaga nitong Miyerkules, Enero 31, sa 9501 Restaurant, ELJCC Bldg., ABS-CBN Compound, QC.

“Lalo na ngayon, di ba? Wildflower is ending, and we’re celebrating.

“And ayokong magpaeme na kineso by the way! Jiwalaychina na kamis ni anis!

“Ayokong gumano’n na umeme. Mas gusto kong mas mapansin si Nathalie [karakter niya sa Wildflower] kesa kay Roxanne.

“Kung ano man ang pinagdadaanan ni Roxanne, hayaan mo na siya.”

Kailan ba sila naghiwalay?

“Alam mo, ang hirap talaga nung petsa,” pagbuntong-hininga ng aktres.

“Kasi, we just decided na maging best friends na muna kami.

“Parang kung ano yung dati, ibalik na lang natin. Wala nang kyemehan chururut, ganun!” ani Roxanne na kumukumpas-kumpas.

Continue reading below ↓

“Parang... tayo na lang, beshie. Walang etchos.”

Puwede ba iyon? Ex mo, magiging best friend mo?

Natigilan saglit si Roxanne at mahinay na tumugon, “To be honest, kapag maganda ang pinagsamahan ninyo at wala kayong third party... yes!

“Kaya!

“Pag naiintindihan n’yo at nako-communicate n’yo nang husto kung ano yung... ahhhmmm... humbly... pagkukulang n’yo... Parang...

“Ako, na-admit ko. Na-admit din niya. Pareho kaming nawalan ng oras.”

So, oras ang dahilan ng kanilang hiwalayan?

“Oras, tapos nag-iba ang direksyon naming dalawa,” pakli ni Roxanne.

“Focused siya sa business. Eh, sa business, hindi lang naman isa. Apat ang business niya.

“So, ang oras talaga namin, hindi na magkatugma?

Ang kanilang friendship ba, eh, with or without benefits?

“Without!” mabilis na sambit ng aktres.

“Sabi ko sa inyo, walang kyemehan!”


Continue reading below ↓

Paano ‘yan?! Malapit na ang Valentine’s Day!

“Ang inaabangan ko, ibang holiday na... April Fools Day! Ha! Ha! Ha! Ha!” masayang halakhak ni Roxanne.

“Saka Labor Day! Gano’n na lang! Dedma na sa Valentine!”

Magiging wild pa ba siya sa Love Month?

“Ay! I will paint the town red. Etchos! Ha! Ha! Ha! Ha! Etchos lang! Hindi...

“Honestly, may mga umaaligid naman. Kasi, hindi naman tayo below zero. Plus three naman tayo kahit paano.

“Pero ano naman... chika lang. Relaxed. Chill.

“Mga bakla! Rumarampa muna ako sa O Bar. Rampa muna, and then...

“I need to gain more friends... I want to spend more time with all my friends. Kineso.

“April Fools Day!”

Sa status niya ngayon, ano kaya siyang klaseng flower?

“Ha! Ha! Ha! Ha! Grabe kayo! Ha! Ha! Ha!” mabining halakhak niya habang tinatakpan ang bibig.

Continue reading below ↓

Kampupot?

“Ha! Ha! Ha! Ha! Pa-sampaguita... yung pa-sweet. Tapos, madami!”

Ang kampupot, nakatiklop! Pag walang dyowa, hindi bumubuka!

“O, sige... You say kampupot, I say cattleya. Very high school.

“Ano pa rin... paandar pa rin. Ready pa ring magpaandar.

“Kasi, I’m not naman hopeless, eh. Hindi ako umabot sa point na walang nagmamahal sa akin.

“Nasa point ako na I’m excited na magmahal muli, pero I know, now is not really the time.”

Parang flower na nagbu-bloom.

“Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Saka na tayo magpapadilig... ano muna tayo...

“Paaraw muna tayo kyeme!

“Pabongga ka muna ng nectar! Ha! Ha! Ha! Ha!”

GORGY RULA: Pagkatapos ng showing ng I Left My Heart in Sta. Fe na pinagbidahan nilang dalawa, kumalat na ang tsismis na hiwalay na sila.

Pero nanatiling friends kaya keri pa nilang mag-sweet-sweetan sa promo ng pelikula nila.

Continue reading below ↓

Pero may mga lakad na hindi na sila magkasama at nagkakanya-kanya na sila.

Puwede naman palang ma-maintain ang friendship kahit wala na yung romantic na relasyon.

NOEL FERRER: Ang daming sinabi ni Roxanne, ha.

Sana ok nga talaga siya.

Sana ok din si Wil.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results