Cacai Bautista at Ahron Villena, magtatambal sa pelikula pagkatapos magsagutan sa social media

Feb 1, 2018

JERRY OLEA: Deadma ako sa Super Blue Blood Moon kagabi.

Deadma rin ako sa pag-aalburoto ng Mayon Volcano, kahit pa bumisita ito sa Angono.

Pero nang makita ko ang post ng line producer na si Dennis Evangelista kaugnay sa photo shoot nina Ahron Villena at Cacai Bautista para sa pelikulang Harry & Patty, nag-iba ang aking timpla.

Natigalgal ang aking diwa.

Kumalam ang aking sikmura.

Ang pelikula ay mula sa direksyon ni Julius Ruslin Alfonso, nagdirek ng Deadma Walking.

Agad akong nag-PM kay Dennis Evangelista, “May kissing scene ba sila?”

Mabilis ang kanyang tugon, “For sure.”

Juice colored!


Continue reading below ↓

GORGY RULA: So, yun na ang ending ng lahat na mga hanash nila?

Sabi nga ni Kris Aquino, "Use me in sentence."

Sana maganda ang kalalabasan ng movie. Kasi pagdating sa star value, waley!

Dapat maganda ang movie para panoorin.

Ang moviegoers ngayon, gusto pa rin nila may big star sa isang pelikula. Good luck!

NOEL FERRER: Hihintayin ko na lang ang weather report mula kay Kuya Kim.

Sa pagputok na bulkang Mayon at panaka-nakang pag-ulan, pati na ang pag-a-align ng mga heavenly bodies, malapit na ang Himala, The Musicale mula kay Aicelle Santos.

Malayo pa naman siguro ang gunaw. Walang himala!!!

Sadyang ang buhay ay weather weather lang.

Read Next
Read More Stories About
Ahron Villena
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results