Opera at fashion, magsasanib-puwersa sa Marawing Salamat

Feb 2, 2018

JERRY OLEA: Fab ang patikim ng Marawing Salamat: The Best of Opera & Fashion for Marawi nitong Huwebes ng hapon, Pebrero 1, sa CCP (Cultural Center of the Philippines).

Sa saliw ng apat na kundiman, inirampa ng mga mabining modelo ang mga makabagong Filipiniana creations nina Lito Perez, Jonti Martinez, Edgar San Diego, Ole Morabe, Perry Diaz, Ronaldo Arnaldo, Ricci Lizaso, Steve de Leon, Eddie Baddeo, Oskar Peralta, Renee Salud, at Gerry Sunga.

Ang naturang fund-raising event ay gaganapin sa Abril 6 ng 8 PM sa Tanghalang Nicanor Abelardo (Main Theater) ng CCP.

Maliban sa mga kundiman ay itatanghal dito ang mga aria ng Tosca, Carmen, La Traviata, Rigoletto, I Pagliacci, Romeo & Juliet, La Boheme, at Turandot.

Filipino lahat ang aawit, sa pangunguna ng mga tenor na sina Sherwin Sozon, Randy Gilongo & John Glenn Gaerlan, baritone na si Noel Azcona, at mga soprano na sina Ana Feleo, Rica Nepomuceno, Mary Patrice Pacis, Ton Ton Pascual, & Naomi Sison.

Continue reading below ↓

Bubuhayin muli ng cultural fashion show ang Pomp & Pageantry of Philippine Carnival Queens.

Kaakibat din sa proyektong ito ang mga designer na sina Edgar Allan, Albert Andrada, Delby Bragais, Tony Cajucom, Jing Chua, Toni Galang, Rocky Gathercole, Nolie Hans, Roland Lirio, Jojie Lloren, Edgar Madamba, Richard Papa, Nardie Presa, Barge Ramos, Rholand Roxas, Ditta Sandico, at Fanny Serrano.


Continue reading below ↓

Pagpupugayan dito ang opera icons na sina Armida Siguion-Reyna, Irma Potenciano, Fides Cuyugan-Asensio, Jose & Teresita Agana-Santos, Nomer Son, at Noel Velasco.

Kikilalanin din ang mga haligi ng Philippine Fashion na sina Ramon Valera, Pitoy Moreno, Ben Farrales, Aureo Alonzo, Christian Espiritu, Joe Salazar, at Salvacion Lim-Higgins.


Continue reading below ↓

Beneficiary ng event ang Duyog Marawi project ng Prelature of St. Mary sa Marawi.

Para sa ticket sales or reservations, makipag-alam sa tel.# 891-9999 (TicketWorld) o mobile# 0917-860-7560.

GORGY RULA: Hindi pa tayo tapos sa mga fund-raising projects para sa pagbangon ng Marawi.

May kasunod pa, para naman sa naapektuhan ng Bulkang Mayon.

Eto ang positibong aspeto ng mga trahedyang dumarating sa atin. Lumalabas ang creativity ng ating mga artists.

Sana ang malilikom na pondo rito ay makakarating sa mga nararapat tulungan.

Wala na kasi muna tayong maaasahan sa ilang ahensya, kagaya ng PCSO na iniimbestigahan pa.

Mas may sapat pa naman sana silang pondo para sa mga nangangailangan.

NOEL FERRER: Diyan naman talaga maaasahan ang mga Pinoy. Nagsasama-sama tayo sa pagtulong sa mga nangangailangan.

Napakaganda ngang ang mga hindi nagagawa dahil sa pagkakahati-hati sa politika, natutugunan sa pagtutulungan sa ngalan ng sining.

Sana mas marami pa tayong mga bagay na pagsasamahan at pagtutulungan, hindi lang sa mga panahon ng trahedya.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results