Alden Richards, hindi iniiwasan ang mga tanong tungkol kay Maine Mendoza

Feb 3, 2018

JERRY OLEA: Nakakabingi ang hiyawan ng fans kay Alden Richards kagabi, Pebrero 2, Biyernes, sa Balikbayan Night ng Kannawidan Bicentennial sa Tamag Grounds, Vigan City, Ilocos Sur.


Eyewitness report ni Bembem Kho aka Michael Espanto (talent agent ng bikini models): “Late na nag-start ang show pero andaming tao.

"Nagpakilig at pinalakpakan ang pogilicious na si Dennis Trillo, pati si Empoy Marquez na kumanta ng "Two Less Lonely People In The World."

Continue reading below ↓

“Nasa backstage pa lang si Alden ay isinisigaw na ng fans ang kanyang pangalan.

“Wala siyang arte! Walang reklamo kahit dalawang oras naghintay sa kanyang turn.

“Hatinggabi nang siya’y isalang, pero napakasigla pa rin niya.

“Lalong dumami ang mga tao!

“Tanggal ang mga tutuli ko sa lakas ng kanilang tilian.

“Nakatatlong kanta siya. Namigay ng T-shirts. Nag-autograph. Super-kaway, super-kamay at super-picture!

“Pambansang Bae talaga!”


Continue reading below ↓

Hinanap ba ng fans si Maine Mendoza?

Mabilis na tugon ni Bembem, “Walang interbyu o chika-chika tungkol kay Maine.

“Dire-diretso kasi ang show. VO (voice over) lang ang host.”


NOEL FERRER: Parang malaking event talaga ang nagaganap sa Northern region.

Nandun din si Gloc 9, pati si EA Guzman na pagkatapos mag-Laoag ay may Vigan naman.

Continue reading below ↓

Kaya sa mga kapatid nating Ilocano, pati na yung mga nasa Visayas na may pagdiriwang pa rin, HAPPY FIESTA!!!

Pero teka, bakit bawal tanungin si Alden tungkol kay Maine pala?

GORGY RULA: Nakausap ko ang isa sa mga taong malapit kay Alden, hindi raw totoong iniiwasan niya ang mga tanong tungkol kay Maine.

Tingin lang daw ng Pambansang Bae, wala naman doon si Maine, at sandail lang naman ang ilalagi niya sa Ilocos, bakit pag-uusapan ang taong wala naman doon.

Nilinaw rin ng mga nagha-handle kay Alden na walang problema sina Maine at Alden.

Sobrang okay daw sila at wala naman daw nabago sa kanilang tinginan bilang magkaibigan.

As of now, naghihintay lang daw sila sa APT Entertainment kung ano na ang planong pelikulang pagsasamahan ng dalawa.

May balita rin kasing pinaplantsa na ang drama series na pagbibidahan ni Alden.

Definitely, hindi raw kasama si Maine, at inaayos pa kung sino ang magiging leading lady.

Continue reading below ↓

Kung matutuloy na ito, katapusan na nga ba ito ng AlDub loveteam?

Wala pa raw makapagsabi sa ngayon. Basta ang mahalaga, napapanatili pa rin naman daw ang magandang pagkakaibigan.

Read Next
Read More Stories About
Alden Richards, maine mendoza
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results