Alden Richards, payag kayang magpa-sexy sa pelikula?

Feb 4, 2018

JERRY OLEA: Bet ni Direk Joey Romero na kunin si Alden Richards bilang bida sa isang sexy horror movie ng BG Films.

If ever, ang leading ladies ay ang kapwa Kapuso na sina Kim Domingo at Andrea Torres.

PG or R-13 ang target rating ng pelikula dahil may sexy scenes.

Ayon sa line producer na si Dennis Evangelista, kukunan ito sa Dumaguete, ang hometown ng producer na si Madam Baby Go.


Continue reading below ↓

NOEL FERRER: It’s about time that Alden and Maine Mendoza accept assignments separately para ma-establish din sila sa mga forte nila at outstanding skill set.

That would be healthy not only for them but even their fans kung gusto nating mag-mature din sila katulad ng kanilang mga idols.

This way, hindi ba’t after their separate projects, mas masarap na i-look forward ang kanilang pagbabalik-tambalan kung sakali man?

Speaking of balik-tambalan, MAYROONG MAGBABALIK-TAMBALAN na bubulaga sa ating lahat.

CLASSIC ITO na I’m sure magiging trending kapag lumabas na ang balita. BASTA UNA NAMING NA-ALERT DITO sa PEP ALERTS, ha!!!

For now, my lips are sealed!

GORGY RULA: Kahit sinasabi ni Direk Joey Romero na si Alden ang gusto niyang leading man sa pelikulang gagawin niya sa BG Films, parang hindi naman siya kumbisidong tatanggapin ito.

Siyempre, kung hindi nga si Maine ang kasama ng Pambansang Bae, magiging maingat sila sa pagtanggap ng project.

Continue reading below ↓

Kaya kung hindi si Alden ang leading man nina Kim at Andrea, sino ang pupuwedeng bagay magpa-sexy?

Pero maiba tayo, agree naman si Direk Joey na dapat ay gumawa na ang producers ng sexy films dahil hindi ito napapanood sa TV, pero hanggang R-13 lang daw siguro.

Read Next
Read More Stories About
Alden Richards
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results